TOP 16 CONQUEROR'S HAKI USERS
Kamusta mga ka pika..
Ngayon pagusapan natin ang mga lahat ng kilalang mayroong
haosoku haki o ang conquerros haki sa one piece. Narito ang aking ranking from
sixteen hanggang sa rank one. Enjoy mga ka pika!
Kahit hindi pa deserve ni lufu na maging number one. Anyway,
ang conquerors haki ay napaka rare na teknik sa one piece. Noong nakaraang mga
taon, marami na din tayong nakitang mga users nito. At ang total na users na
nakita na natin ay nasa labing anim na at naconfirm na ito ngayong april 2021.
Sino kaya ang deserving na pinaka malakas na conquerors haki
user. Pagusapan natin.
Ang #16 ay si Don Chin-jao.
Siya ay isa sa mga pinakamalkas na pirate. Nakita din natin
siya na nakipaglaban noon kay Garp. Pero sa bagong henerasyon ngayon ng mga
bagong pirate ay nalampasan na siya.
#15 naman ay si Eustass D Kid
SIya ay miyembro ng Worst Generation at masasabi din natin
na isa siya sa mga mapangananib na myembro nito
Dahil na din sa kanyang magnetic
na lakas at ang kanyang brutal na pagkatao. Tignan din natin ito kung gagamitin
nya ito sa pagtatapos ng wano arc.
Mayroong potensyal na mas madevelop pa niya ang kanyang
conquerors haki katulad ng nangyari kay monkey d lufi ngayon. Kayat abangan
natin ito.
Ang pang labing apat ay si potgas d ace.
Siya rin ay user ng conquerors haki. Ayun nga lang ay nawala
siya kaagad sa main story ng one piece dahil sa kanyang mabilis na pagkawala at
hindi pa natin nakita ang full potential siya. Sad face.
Sunod ay si bowa hancock.
Isa siya sa pinaka malkas na babae sa mundo ng one piece. So
far ang nakikita natin na karibal niya na isa sa malakas na babae ay si bigmom.
Gamit ang kanyang conquerors haki at ang devil fruit niya na
mero mero ni mi at maging ang kanyang fighting skills masasabi natin na isa nga
siya sa mga perpektong babaeng mandirima sa one piece.
Wag din nating kalimutan ang kanyang magandang looks.
Ang pang 12 ay si roronowa zoro.
Ang conquerors haki nga nitong si zoro ay nananatili pa din
na isang misteryo. Bakit kaya lumabas ito ngayong nasa onigashima sila. Ano ang
rason. Maaari bang ang enma ang nagpalabas nito sa kanya.
Pero ang maliwanag sa ngayon ay ang potensyal niya ay
napakaganda at useful. Nakita natin na kayang takutin ni zoro ang mga kalaban
katulad ng nangyari noon kay monet.
Nakita noong pinagsama ni zoro ang conquerors haki sa asura,
nakita natin na nasugatan dito si kaidu. Ayon kay kaidu ang sugat ay mananatili
bilang peklat.
Ang sunod naman ay si donquixote doflamingo
Noong nakaraan sa dressoras arc. Naisip natin na itong si
doflamingo ay mahirap na kalaban ng mga strawhats dahil isa siya sa mga
nakamaster ng lahat ng types ng mga haki.
Gayunpaman, noong pumasok si lufi sa new world. Ang lakas
niya ay madaling nalampasan ng mga ibang mga pirate maging si lufi.
Ang pang sampu ay si charlotte katakuri.
Ang pinaka famous na kapangyatihan nito ay ang kenbonshoku
haki na nasa high level. Idagdag pa natin ang kanyang malakas na conquerors
haki. Ang laba nan nina lufi at katakuri ng kanilang haki ay nakapagpakita sa
atin na cracked mirror effect noong sila ay naglaban.
Ang pang siyam naman ay si monkey d lufi.
Simula noong nalaman natin si lufi na may conquerors haki
naisip natin na siya mapanaganib na isang pirate. Nakita natin na tinatakot nya
ang mga hayop na nakikita niya maging ang mga mahiinang mga warrior o mga
pirate.
Ngayon ay nakokontrol na ni lufi ang aknyang conquerors
haki. In terms naman sa lakas, nagawa din niyang mapatuma itong si doflamingo
at si katakuri. Ngayon ay kailangan na lamang niyang maperfect ang kanyang haki
para malampasan ang mga yongko.
Sa onigashima, nagsimula na si lufi na pagsamahin ang
kanyang kapangyarihan gamit ang conquerors haki kaya’t nagawa niyang maitulak
itong si kaidu.
Kung matatalo nga ni lufi si kaidu ay instantly na magiging
yongko level na si lufi.
Ang pang walo naman ay si sengoku.
Kahit na malimit natin siyang nakikita ay mayroong pa ring
malakas na conquerors haki siya. Kahit na siya ay matanda na, siya pa rin ay
veteran na minsan ay nakipagsagupaan sa mga malalakas na pirate noong unang
panahon at henerasyon ng one piece.
Sunod naman ay si kozuki oden.
Patay na si oden pero ang taong ito ay nakakainteres pa din.
Siya pa lamang ang nagiisang tao na makagawa ng sugat kay kaidu gamit ang
kanyang enma sword. Sumama din siya sa grupo ni whitebeard at ni gol d roger.
Natalo din niya ang mga malalkas na kalaban na katulad ni Ashura doji.
In terms sa lakas, masasabi natin na extradordinary si oden.
ang kanyang conquerors haki ay malimit din na ipinakita sa kanyang flashback
hanggang siya ay mamatay.
Ang pang anim ay si charlotte linlin o mas kilala sa tawag
na bigmom.
Isa siya sa mga overpowered na mga character sa one piece
ngayon. Imagine ninyo, siya ay mayroong malakas na katawan simula pa noong siya
ay ipinangnak. Mayroon din siyang busoshoku haki, elbaf technique at syempre
conquerors haki.
Ang pagtalo kay bigmom ay hindi madali maging ng kanyang mga
katulad na yongko. Sina kaidu at bigmom ay mayroong matagal na paglalaban at sa
huli ang laban nila ay nagtapos sa isang draw. Ang mga pag atake ni bigmom kay
kaidu ay hindi din nakapag bigay ng seryosong injury kay kaidu.
Ang ikaapat ay si kaidu.
Ang clash ng kapangyarihan ng laban nila ni bigmom ay
usually napapakita lamang kung ang dalwang users ay may conquerors haki na
ginamit nila sa laba nan. DIto natin masasabi na mayroong haoshoku haki nga
itong si kaidu.
In terms naman sa pisikal na lakas. Si kaidu ay halos magka
pareho lamang sila ni bigmom. Ang lakas ng mga suntok niya lalong lao na noon
unang tinalo niya si lufi at si oden ay makikita natin na napaka bagsik.
Well, si kaidu ay kayang pagsamahin ang conquerors haki sa
kanyang mga atake. Ang raimei hake, isa sa mga atake ni kaidu ang nagpabagsak
kay lufi ng one hit lamang.
Ang ikatlo ay si Whitebeard.
Confirmed din na mayroong conquerors haki ang old pops
natin. Noong bata pa siya, talaga namang kinatatakutan siya. Siya ay kasing
lakas nina kaidu at bigmom. Hindi nga naman aabot sa limang bilyong beli ang
kanilang wanted poster kung hindi talaga sila malalakas.
Noong siya ay tumanda ay nagkasakit, siya ay kinailangan pa
ding tirahin pa din ng iba’t-ibang mga sandata at armas bago siya mapabagsak at
mamamatay.
Ang number two rank ay si Shanks.
Yes si shanks ang top 2. Ibig sabihin ba nito na mas malakas
sya kaysa kina bigmom at whitebeard?
Isa pa din nama iton sa mga misteryo sa one piece. Pero kung
conquerors haki ang paguusapan. Siya ang pinaka espesyal so far. Kahit pa
muntik nang matumba ang mga tauhan noong ni whitebeard noong nakaharap nila si
shanks. Ang nakatayo lamang noon ay si marco at jozu.
Ngayon kung top 2 ang kanyang ranking ay masasabi natin na
siya talaga ay napakalakas na pirate. Imagine kung isasama niya ang kanyang
conquerors haki sa pag atake gamit ang kanyang espada.
Ito baa ng dahilan kung bakit nirerespeto ni kaidu si
shanks.
Ang huli at ang pinak malakas na conquerors haki user ay
syempre ang hari ng mga pirate na si gol d roger.
Noong naglaban sila ni whitebeard, nakita natin ang pag
spark ng haoshoku haki sa kanila.
Kahit na matagal ng patay ang pirate king kung paguuspana
natin ang conquerors haki ay siya pa din ang pinakamalaks na user nito.
Ito nga ang top 16 order ng mga conquerors haki user na
naconfirm natn sa official manga plot.
Ano sa tingin nyo mga ka pika. Comment lamang kayo. Salamat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento