Martes, Marso 30, 2021

ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE


ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE



 Curious ba kayo kung ano ba talaga ang treasure sa One Piece na one piece.

Ito ay ang classic na tanong ng mga fans simula pa noong 1997. At wala pa talaga tayong konkretong kasagutan tungkol dito.

Gayunpaman, nakapag bigay na din si eichiro oda ng mga clues tungkol sa kayamanan sa pamamagitan ng pagpapakita niya sa isang legendary na pirate na si Kozuki oden. Gamit ang mga flashbacks nito at ang huling mga sinambit na mga salita ni Whitebeard o si Edward newgate.

Narito na mga pitong clues tungkol sa treasure na one piece na matatagpuan sa laugh tale.

Una ay alam niyo ba na si Gol D Roger ang siyang nagpangalan sa one piece. Isa ito sa mga nakakainteresadong clue. Noong nakaraan,natanong ko din sa aking sarili kung bakit one piece ang tawag sa one piece. Ibig sabihin ba nito na ito ay isang malaking kayamanan o isa lamang maliit na treasure. Ibig sabihin ba nito na ang mundo sa one piece ay mabubuo ulit. Gayunpaman, hindi rin naman sinabi ni roger ang tungkol sa kayamananan na ito sa flashback ni kozuk oden. sa anime, nakita din natin na mayroong tao na nagtanong kung ano ang one piece bago pa man ma execute itong si roger. Kung ang pangalan na one piece ay ipinangalan lamang ng isang tao, nakaka pagduda din kung ito nga ay nagrerepresent sa tunay na form ng kayamanan ni Gol D Roger.

 Pangalawa ay tama kayong nasa laugh tale ang kayamanan. May mga theory din na nakapagsabi na nag treasure ay hindi nasa laugh tale at ang laugh tale ay magbibigay lamang clue sa tunay na kinaroronan nito. Pero naconfirm natin ito sac hater nine hundred sixty-seven na nasa laugh tale nga ang kayamanan.

Pangatlo. Ang kayamanan ay naka separate sa impormasyo ng mundo sa laugh tale. Batay sa pagkakasulat ni kozuki oden sa kanyang journal o kaya ay diary. Ang one piece ay hindi lamang basta isang impormasyon. SInulat ni oden ang mga impormasyon tungkol sa kanyang mga natutunan sa mundo ng one piece series at nakaseparete din ang impormasyon tungkol sa kayamanan ni gol d roger na kanyang nahanap. Sa madaling salita ang one piece na kayamanan ay hindi lang isang realidad tungkol sa mundo.

 Ang pang apat na clue ay ang pagtawa ni roger at ang kanyang mga kasama sa natagpuan nilang kayamanan.  Ang kanilang pagtawa at ang mukha ni gol d roger ay naging tanyag noon natagpuan nila ng treasure sa laugh tale.Hindi lang din naman siya pero maging ang kanyang mga crews at natawa din. Sa huli ay sinabi ni Roger na sana ay nabuhay na lamang siya sa era kung saan nabuhay din si joy boy.

 Ang panglima nating clue ay hindi ma-access ni roger ang kayamanan. Ang paguusap ni roger at ni Rayleigh ay isang indikasyon na ang kayamanan sa laugh tale ay hindi accessible sa kanila o kaya ay hindi nila ito makikita kung hindi sila nasa kanilang tunay na form. Either si Roger or si Rayleigh ang nagsabi na dumating sila ng napaka aga. Mayroon ding tanong sa kanila kung sino ang susunod na makakaahanap ng treasure na one piece.

 Pang anim ay most likely na ang one piece ay connected sa mga sea monsters. Matapos na madisband ang roger pirates sa chapter 968. Nakita natin ang isa na namang flashback nitong si kozuki oden at si roger ay nakarinig sa isang propesiya ng mga sea kings. Ang propesiya ay tungkol sa magiging ruler ng mundo sa future. Isa doon ay si Poseidon at ang isa naman ay si joy boy na isisilang sa malapit na karagatan. Ang prediksyon na ito ay nakapag confirm kay roger na sa hinaharap ay mayroong  pirate group din na makakalagpas sa kanila. At si oden naman ay ang magoopen sa wano island upang matulungan si joy boy. Ikonsider din natin ang mga salita ni whitebeard kay blackbeard. Sinabi niya dito na hindi siya ang hinihintay ni joy boy. Maaari bang ang one piece ay makikita lamang natin kung magkikita na itong joy boy at si Poseidon.

Ang pang pito ay nahulaan ni whitebeard na ang pagkadiscover sa kayamanan na one piece ay magbibigay sa mundo ng upside down na pangyayari. Bago mamatay si whitebeard ay mayroon din siyang nasambit na mga salita. Sinabi niya na magkakaroon ng ups or downs sa pagkakadiskobre ng kayamanan at magkakaroon din daw ng isang malaking digmaaan na kasama ang buong mundo. Maaaring nakatanggap si Whitebeard ng direktang impormasyon mula kay Roger, kaya't ang kanyang mga salita ay hindi lamang basta-basta. Pero hindi pa din naman tayo kung sigurado kung ano ba talaga ang mangyayar sa mundo ng one piece kung magugulo ba o hindi.

At iyan nga mga ka pika ang ating mga impormasyon tungkol sa kayamanan sa onepiece na tinatawag na one piece.

 Base sa ating mga napagupan ay magcomment lamang kayo kung ano ang inyong pinaka nagustuhan.

 Maaari bang ang one piece ay isa rin sa isang ancient weapon? Magcomment na.

 Salamat sa panood mga ka pika!

  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento