Martes, Marso 30, 2021

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI


 

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI

 

 

Nagulat ba kayo sa latest chapter ng one piece 1008 dahil nagpakita at buhay pa itong si orochi. Well, marami din naman ang nakapagsabi na tunay na buhay pa talaga itong si orochi. Hindi rin naman kaagad, papatayin ni oda ang isang character sa one piece lalo na at hindi pa din naman natin nakita ang potensyal nitong si orochi sa wano arc.

 

Kung maaalala nyo mga ka pika. Nakita natin na pinugutan ng ulo ni Kaidu itong si orochi. Pero sa latest chapter na 1008 ay buhay pa pala siya. Paano kaya ito nangyari?

 

Narito ang aking theory tungkol sa pagkabuhay nitong si orochi.

 

Huwag ninyong kakalimutan na si orochi ay nakakain ng isang mythical zoan na devil fruit. Alam nyo ba kung ano ang kayang ibigay na kapangyarihan ng mythical zoan devil fruit kung si orochi ay na awaken na.

 

Katulad ng ibang mga mythical zoan users na ipinakilala na sa one piece. Halimbawa nito ay si marco, kaidu, devon at iba pa. usually nagbibigay ang devil fruit na ito ng karagdagang lakas at kapangyarihan sa mga users nito maliban pa kung nagtransform sila sa mga hayop.

 

Halimbawa nito si marco na may kapangyarihan na makapag regenerate. Si Catarina devon naman ay kayang makagaya ng mga forms ng mga tao at ang huli nating nakita si kaidu na nasa hybrid form na rin nya. Lahat ng mga ito ay nagkaroon ng additional na lakas maliban sa kanilang zoan form.

 

Dahil si orochi nga ay isang mythical zoan devil fruit user. To be exact ang kanyang nakain ay ang hebi hebi no mi model: yamata no orochi. Ito ay isang eight headed snake.

 

Kung ang yamata no orochi ay isang eight headed snake, maaari din nating isipin na ito ay maaaring dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi dahil ang devil fruit niya ay kayang makapagbigay sa kanya ng buhay kung gaano din karami ang ulo na naaayon sa yamata no orochi.

 

So kung napugutan siya noong una ay mayroon na lamang siyang pitong buhay ngayon na nakakapagpanatili sa kanyang buhay.

 

In short kung nais nating mapatay si orochi ay kailangan din siyang mamatay ng pitong beses pa.

 

Maaazing ito nga ang dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi.

 

Marahil ang iba sa inyo ay iniiisp na ang yamato no orochi ay nahahalintulad sa isang hydra pero iba ang principle ng hydra na makikita natin sa legend ni Hercules.

 

Ganito yan. Kung ang ulo ng hydra ay naputol, maaari itong tumubo ulit at mag multiply. Isang karagdagan din. Ang bilang ng ulo ng hydra sa Hercules ay magkaiba din depende sa bilang ng ulo na nawala.

 

Samanatala sa Japanese legend na yamata no orochi. Ang bilang ng ulo ng nawala sa ahas ay hindi na kailanman tutubo hindi katulad ng isang hydra. Ang bilang ng ulo nito ay sampu lamang talaga.

 

Kaya’t kung iniiisip ninyo na tumubo lamang ang ulo ni orochi ay hindi ito maaari. Maaari nating mapatay si orochi kung mamamatay ulit siya ng pitong beses pa kagaya ng sinabi ko kanina.

 

Sa Japanese mythology. Si Susanoo ang siyang nakapatay kay orochi sa pamamagitan ng pagputol ng walong mga ulo nito.

 

Maaari bang ang mga nine red scabbards ang siyang makakapatay kay orochi?

 

Kung mayroon pang natitirang pitong ulo si orochi ay katumbas nito ang mga nabubuhay at kasalukuyang  mga nine red scabbards.

 

Kung bibilangin ninyo sila mayroon tayong pitong myembro. At syempre ay hindi na natin idadagdag dito si kanjuro na siyang traydor saknila.

 

Sa one piece 1008 ay nakita natin na sumabog itong si Ashura doji noong sinugod niya ang pekeng kozuki oden. si inurashi naman ay kasalukuyang nakikipaglaban kay jack.

 

Kung ang dalawa sa kanila ay hindi Nabila. Mayroon tayong pitong mga miyembro ng nine red scabbards.

 

Maaari bang ang mga pitong ito ang siyang tatapos at papatay kay orochi? Sadyang nakakaexcite talaga ang mga pangyayari ngayon sa one piece. Ano sa palagay ninyo ang video kong ito mga ka pika? Mag comment lang kayo at patuloy na magssuporta sa aking channel.

 

salamat


watch in youtube -- BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI!!! ONE PIECE TAGALOG - YouTube

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento