Miyerkules, Abril 28, 2021

SENYOR PINK LOVE STORY

 SENYOR PINK LOVE STORY

Kamusta mga ka pika!

Dahil araw ng mga puso ay pagusapan natin ang back story at love story ng isa sa mga kumander ng don Quixote pirates na si senor pink. Siya ay isa sa mga assassin ni doffy, na nabibilang sa diamante army. Ang asawa niya ay si RUsian at ang kanilang anak ay si gimlet.

Makikita natin na weirdo ang kanyang anyo dahil nakasuot siya ng damit pambata at may subo din siyang isang pacifier.  Ang kanilang paglalaban ni franky ay nagbigay din sa atin ng emosyonal na pakiramdam at nakita din natin na match na match lang silang dalawa.

 

Pero ano nga ba ang kuwento sa kanya.

 

Pero bago ang lahat ay mag intro muna tayo.

 

Isang maulang araw ay nakatayo itong si Senor pink sa isang kanto. Siya ay nakasuot ng pormal at mamahalin na kasuotan. Sa oras na ito ay mayroong isang magandang dalaga na tumatakbo papalapit sa kanya. Hindi raw akalain ng dalaga na uulan sa araw na iyon, siya ay basang basa na ng ulan. “bakit ka masaya at tumatawa gayong basang bas aka, tanong ni Senor pink sa dalaga.

 

Sagot naman ng dalaga ay gustong gusto ko ang ulan. Ikaw ba? Gusto mo din ba ng ulan? Sabay ngiti sa kanya,

 

Napatitig si senor pink sa babae at tila parang na love at first sight siya. Ang pangalan ng dalaga ay Russian.

 

 Simula noon ay exklusibo na silang lumalabas o kaya ay nagdadate. Nagtanungan na rin sila ng mga bagay na gusto at hindi.

 

Tinanong nga ni senor pink kung ano ang ayaw ni Russian.

 

Sagot niya ay, ayaw ko ng mga pirata. Kinasusuklaman ko sila.

Tinanong din ni Russian kung ano ang ikinabubuhay nitong si senorpink. Sagot naman niya ay sa banko raw siya nagta trabaho pero halatang hindi nagsasabi ng totoo ang bida natin.

 

Hindi naman na nagtanong pa itong si Russian. Silang dalawa ay nagkatuluyan at nagpakasal silang dalawa sa simbahan. Sila ay namuhay ng masaya at nabuntis na dito si Russian. Sila ay tumira sa iisang bahay at araw araw ay may dinadalang passalubong si senor pink para kay Russian. Napakasweet nilang dalawa. Hindi nakakalimot na magbigay ng surpreso si senor pink, bumili din siya ng isang head cap para sa bata at tuwang tuwa si Russian, dahil ito ay susuutin ng kanilang magiging anak.

 

Sa kabila nng lahat ay hindi pa din nalalaman ni Russian ang tunay na ikinabubuhay ni senor pink. Dahil nga ay kasali sa grupo ni doflamingo si senor pink ay palagi din siyang nasasali sa mga kaguluhan, pumapatay siya at nagnanakaw.

 

Isang hapon ay nagmamadaling umuwi si senor pink. Siya ay galling pa lang sa kanyang mission. Masayang nakauwi si senor pink dahil nasilayan na niya ang kanilang anak ni Russian. Ang bata ay nakasuot ng isang head cap, ito ay ang cap na binili niya.

 

Tinanong ni Russian kung ano ang ipapangalan nila sa bata. Sinabi naman ni senor pink na ang pangalan ng sanggol ay Gimlet. At nagustuhan nilang dalawa ang pangalan nito.

 

Sa kabilang dako ay tuloy pa din ang ginagawang trabaho ni senor pink. Siya ay isang pirate at walang kaaalam alam dito si Russian.responsable naman si senor pink sa kanyang mag ina at masaya siyang umuuwi sa kanilang tahanan.

 

Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng mataas na lagnat ang sanggol at hindi matigil ang pagiiyak nito. Hinanap ni Russian ang kanyang asawa pero siya ay wala sa kanilang bahay.

 

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik at umuwi si senor pink sa kanilang bahay. Malakas ang ulan at may kulog at pagkidlat. Sinabi ni Russian na ang kanilang anak ay namatay na noong araw na umalis siya ng walang paalam. Hindi makapaniwala si senor pink sa nangyari habang hawak ni Russian ang larawan ng kanilang anak. Sinabi niya na nagkaroong ng mataas na lagnat ang kanilang anak at idinala niya sa ospital pero hindi rin ito nakasurvive at namatay ang sanggol na si gimlet.

Nagkaroon ng pagtatalo sina senor pink at Russian. Tinawagan ni Russian ang banko na pinagtatrabahuan ni senor pink pero hindi raw siya nagtatrabaho doon. Sinabi niya na sinungaling si senor pink.

 

Pilit na tinatanong ni Russian kung ano ang ikinabubuhay ng kanyang asawa. Pero hindi nakapagsalita si senor pink. Tumakbo si Russian paalis sa kanilang bahay at hinabol naman ni senor pink.

 

Bumabagyo noon. Nahabol naman ni senor pink ang kanyang asawa pero sinabi niya na tigilan na lang siya at sinampal niya si senor pink. Napatigil siya dito at tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan si Russian, hindi na rin sinundan ni senor pink ang kanyang asawa.

 

Sinabi ni senor pink sa kanyang sarili na hindi niya pwedeng sabihin kung ano ang kanyang trabaho dahil naaalala niya noon na ayaw na ayaw ni Russian ang mga pirate at kinasususklaman niya ito.

 

Nagpunta si senor pink sa kakahayuan para hanapin ang kanyang asawa pero bigo siya sa paghanap at umuwi na lang siya. Paguwi niya ay naka receive siya ng isang tawag mula sa doctor at ang sabi ay nasa ospital si Russian. Dali dali naman siyang nagpunta doon at sinabi ng doctor na dahil sa ulan ay nadulas ang kanyang asawa. Ang kondisyon na sinapit niya ay malubha at naging parang gulay na lamang, ibig sabihin ay naparalyze at naging unconscious ang kanyang asawa. Nasabi din ng doctor na hindi na raw babalik ang dati pang emosyon sa kanyang asawa at magpakailanman na lamang siyang ganoon. Hindi rin masigurado kung gaano katagal ang magiging buhay ng kanyang asawa.

 

Sobrang nalungkot at naiyak si senor pink at naalala niya ang mga masasyang mga nangyari sa kanila noong mabuti pa ang kondisyon ni Russian. Sinisi ni senor pink ang kanyang sarili at sinabi na ayaw niyang mawala ang kanyang asawa kaya siya ay nagsinungaling. Araw araw naman na nagdadla ng mga bulaklak si senor pink kay Russian doon sa ospital.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento