Miyerkules, Abril 28, 2021

SENYOR PINK LOVE STORY

 SENYOR PINK LOVE STORY

Kamusta mga ka pika!

Dahil araw ng mga puso ay pagusapan natin ang back story at love story ng isa sa mga kumander ng don Quixote pirates na si senor pink. Siya ay isa sa mga assassin ni doffy, na nabibilang sa diamante army. Ang asawa niya ay si RUsian at ang kanilang anak ay si gimlet.

Makikita natin na weirdo ang kanyang anyo dahil nakasuot siya ng damit pambata at may subo din siyang isang pacifier.  Ang kanilang paglalaban ni franky ay nagbigay din sa atin ng emosyonal na pakiramdam at nakita din natin na match na match lang silang dalawa.

 

Pero ano nga ba ang kuwento sa kanya.

 

Pero bago ang lahat ay mag intro muna tayo.

 

Isang maulang araw ay nakatayo itong si Senor pink sa isang kanto. Siya ay nakasuot ng pormal at mamahalin na kasuotan. Sa oras na ito ay mayroong isang magandang dalaga na tumatakbo papalapit sa kanya. Hindi raw akalain ng dalaga na uulan sa araw na iyon, siya ay basang basa na ng ulan. “bakit ka masaya at tumatawa gayong basang bas aka, tanong ni Senor pink sa dalaga.

 

Sagot naman ng dalaga ay gustong gusto ko ang ulan. Ikaw ba? Gusto mo din ba ng ulan? Sabay ngiti sa kanya,

 

Napatitig si senor pink sa babae at tila parang na love at first sight siya. Ang pangalan ng dalaga ay Russian.

 

 Simula noon ay exklusibo na silang lumalabas o kaya ay nagdadate. Nagtanungan na rin sila ng mga bagay na gusto at hindi.

 

Tinanong nga ni senor pink kung ano ang ayaw ni Russian.

 

Sagot niya ay, ayaw ko ng mga pirata. Kinasusuklaman ko sila.

Tinanong din ni Russian kung ano ang ikinabubuhay nitong si senorpink. Sagot naman niya ay sa banko raw siya nagta trabaho pero halatang hindi nagsasabi ng totoo ang bida natin.

 

Hindi naman na nagtanong pa itong si Russian. Silang dalawa ay nagkatuluyan at nagpakasal silang dalawa sa simbahan. Sila ay namuhay ng masaya at nabuntis na dito si Russian. Sila ay tumira sa iisang bahay at araw araw ay may dinadalang passalubong si senor pink para kay Russian. Napakasweet nilang dalawa. Hindi nakakalimot na magbigay ng surpreso si senor pink, bumili din siya ng isang head cap para sa bata at tuwang tuwa si Russian, dahil ito ay susuutin ng kanilang magiging anak.

 

Sa kabila nng lahat ay hindi pa din nalalaman ni Russian ang tunay na ikinabubuhay ni senor pink. Dahil nga ay kasali sa grupo ni doflamingo si senor pink ay palagi din siyang nasasali sa mga kaguluhan, pumapatay siya at nagnanakaw.

 

Isang hapon ay nagmamadaling umuwi si senor pink. Siya ay galling pa lang sa kanyang mission. Masayang nakauwi si senor pink dahil nasilayan na niya ang kanilang anak ni Russian. Ang bata ay nakasuot ng isang head cap, ito ay ang cap na binili niya.

 

Tinanong ni Russian kung ano ang ipapangalan nila sa bata. Sinabi naman ni senor pink na ang pangalan ng sanggol ay Gimlet. At nagustuhan nilang dalawa ang pangalan nito.

 

Sa kabilang dako ay tuloy pa din ang ginagawang trabaho ni senor pink. Siya ay isang pirate at walang kaaalam alam dito si Russian.responsable naman si senor pink sa kanyang mag ina at masaya siyang umuuwi sa kanilang tahanan.

 

Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng mataas na lagnat ang sanggol at hindi matigil ang pagiiyak nito. Hinanap ni Russian ang kanyang asawa pero siya ay wala sa kanilang bahay.

 

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik at umuwi si senor pink sa kanilang bahay. Malakas ang ulan at may kulog at pagkidlat. Sinabi ni Russian na ang kanilang anak ay namatay na noong araw na umalis siya ng walang paalam. Hindi makapaniwala si senor pink sa nangyari habang hawak ni Russian ang larawan ng kanilang anak. Sinabi niya na nagkaroong ng mataas na lagnat ang kanilang anak at idinala niya sa ospital pero hindi rin ito nakasurvive at namatay ang sanggol na si gimlet.

Nagkaroon ng pagtatalo sina senor pink at Russian. Tinawagan ni Russian ang banko na pinagtatrabahuan ni senor pink pero hindi raw siya nagtatrabaho doon. Sinabi niya na sinungaling si senor pink.

 

Pilit na tinatanong ni Russian kung ano ang ikinabubuhay ng kanyang asawa. Pero hindi nakapagsalita si senor pink. Tumakbo si Russian paalis sa kanilang bahay at hinabol naman ni senor pink.

 

Bumabagyo noon. Nahabol naman ni senor pink ang kanyang asawa pero sinabi niya na tigilan na lang siya at sinampal niya si senor pink. Napatigil siya dito at tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan si Russian, hindi na rin sinundan ni senor pink ang kanyang asawa.

 

Sinabi ni senor pink sa kanyang sarili na hindi niya pwedeng sabihin kung ano ang kanyang trabaho dahil naaalala niya noon na ayaw na ayaw ni Russian ang mga pirate at kinasususklaman niya ito.

 

Nagpunta si senor pink sa kakahayuan para hanapin ang kanyang asawa pero bigo siya sa paghanap at umuwi na lang siya. Paguwi niya ay naka receive siya ng isang tawag mula sa doctor at ang sabi ay nasa ospital si Russian. Dali dali naman siyang nagpunta doon at sinabi ng doctor na dahil sa ulan ay nadulas ang kanyang asawa. Ang kondisyon na sinapit niya ay malubha at naging parang gulay na lamang, ibig sabihin ay naparalyze at naging unconscious ang kanyang asawa. Nasabi din ng doctor na hindi na raw babalik ang dati pang emosyon sa kanyang asawa at magpakailanman na lamang siyang ganoon. Hindi rin masigurado kung gaano katagal ang magiging buhay ng kanyang asawa.

 

Sobrang nalungkot at naiyak si senor pink at naalala niya ang mga masasyang mga nangyari sa kanila noong mabuti pa ang kondisyon ni Russian. Sinisi ni senor pink ang kanyang sarili at sinabi na ayaw niyang mawala ang kanyang asawa kaya siya ay nagsinungaling. Araw araw naman na nagdadla ng mga bulaklak si senor pink kay Russian doon sa ospital.

ALAM BA NI KAIDU ANG TUNGKOL SA WILL OF D??

 ALAM BA NI KAIDU ANG TUNGKOL SA WILL OF D??

Kamusta mga ka pika?

 

Narito ang aking theory kung may alam ba itong si kaidu sa will of d?

Nirerewspeto ba ni kaidu itong si lufi or mayroong ibang kahulugan ito.

 

Ang senaryo nina kaidu at lufi sa chapter one thousand eleven ay hindi rin masyadong nahighlight. Napansin natin na mayroong komento si kaidu tungkol kay lufi at matapos noon ay nagsalpukan na sila.

 

Ang kanilang clash ay masasabi nating epic. Nagkaroon ng haoshoku haki o conqueror’s haki clash. Ito ay dagdag sa mga listahan natin ng mga clashes sa one piece.

 

Pero mayroon bang alam or idea si kaidu tungkol sa will of d?

 

Mapapansin natin sa dialogue nilang dalawa.

 

Mayroon tayong nakitang isang source tungkol sa translation ng manga. Si official Viz ay nagkaroon ng mistranslation sa la banan ni kaidu at lufi. Icheck nyo sa larawang ito.

 

Anyway. Noong naglalaban sina kaidu at lufi sinabi dito ni kaidu na. The more difficult the situation you face the more you laugh. Sa Indonesian version ang laugh ay naging smile samantala sa enlish translation ay laugh. Maaaring magkapareho lamang ng ibig sabihin pero kung gagamitin sa isang matinding la banan na ito ay nagiiba ng kahulugan.

Marami ang naprovoke na mga readers sa kanilang dialogue. Maaari nating sabihin na nirerespeto ni kaidu si lufi na patuloy na tumatawa kahit na binubugbug na siya. O may alam ba si Kaido mula sa mga taong may pangalang D?

 

Sa ngayon, ang mga taong may pangalang D ay kilala sa ngiti o kahit tumatawa sa mahihirap na sitwasyon.

 

May kahulugan ba ang tawa ng mga users ng will of d kapag nakikipaglaban sila?

Mayroong dalawang tao na mayroong D sa pangalan ang nirerespeto nitong si kaidu. Ito ay sina Gol D Roger at Rocks D xebec.
 
Kung maaalala niyo itong si kaidu ay minsan kasali sa grupo nitong xebec. Marahil ay ginugol din niya ng ilang sandal ang mga pagkakataon na kasama niya ang kanyang kapitan sa kanilang grupo.
 
Maaaring hindi pa nakapunta si kaidu sa laugh tale. Hindi katulad ni oden at Rayleigh. Hindi pa niya alam ang totoong kahulugan ng Will of D.
Ngunit siya ay naging subordinate ni xebec at nakipaglaban din siya kay gol d roger. Marahil alam niya ang ilang mga ugali ng mga will of d users.
 
Tulad ng pagtawa sa kahit na mahihirap na mga sitwasyon. Malamang ay nakita ni kaidu si gol d roger o si rocks d xebec noong ginawa nila ang pagtawa na ito.
 
Kaya’t may alam ba si kaidu tungkol sa will of D? marahil. Kahit malamang na hind imaging kumpleto ang kanyang kaalaman katulad nina roger, oden at Rayleigh. At least ay mayroon siyang idea kung paano makipaglaban ang mga users ng mga will of d. ang kanilang katangian lalo na sa pakikipaglaban.
 
Noong nabasa ko ang mga ibang mga translations ng manga ay nabaling ako sa Indonesian translation sa manga plus. Napansin ko dito na parang wala namang kakaiba lalo na sa mga will of D.
 
Ang sabi niya lamang dito ay masaya si lufi. Kung gaano kahirap ang sitwasyon ay mas nageenjoy siya at mas nanaisin niyang tumawa.
 
Si kaidu naman ay tumawa bago pa sinabi ni lufi ang bagay na iyon at siya ay ngumiti.
 
Ano ng aba ang epekto nito.
 
Naiisip ni kaidu na siya at si lufi ay naiiba sa lahat. Silang dalawa ay naeexcite sa la banan kung ang sitwasyon ay mahirap. Dahil sila ngang dalawa ay mayroong conqueror’s haki kaya’t nakakaexcite talaga ang kanilang tunggalian.
 
Alam naman natin na boring na boring na talga siya sa kanyang buhay, maaaring si lufi ang kanyang kaaaway na kanyang hinihintay sa loob ng matagal na panahon. Kaya’t siya ay masaya nga.
 
Of course, halimbawa kung mayroon talagang especial na kahulugan ang mga pagtawa ng mga users ng will of D ay maaari silang lumakas or magtransform or in case maaawake ang will of D sakanila kung gaano nga talga sila kalakas.
 
SO ayan nga mg aka pika ang aking video. Ano sa palagay niyo ang ibig sabihin ng pagtawa ng mga will of D users? Totoo ba na may alam si kaidu tungkol sa kanila?
 
Salamat sa panonood.
 
 

 

 

Huwebes, Abril 15, 2021

TOP 16 CONQUEROR'S HAKI USERS

 TOP 16 CONQUEROR'S HAKI USERS

Kamusta mga ka pika..

 

Ngayon pagusapan natin ang mga lahat ng kilalang mayroong haosoku haki o ang conquerros haki sa one piece. Narito ang aking ranking from sixteen hanggang sa rank one. Enjoy mga ka pika!

 

Kahit hindi pa deserve ni lufu na maging number one. Anyway, ang conquerors haki ay napaka rare na teknik sa one piece. Noong nakaraang mga taon, marami na din tayong nakitang mga users nito. At ang total na users na nakita na natin ay nasa labing anim na at naconfirm na ito ngayong april 2021.

 

Sino kaya ang deserving na pinaka malakas na conquerors haki user. Pagusapan natin.

 

Ang #16 ay si Don Chin-jao.

 

Siya ay isa sa mga pinakamalkas na pirate. Nakita din natin siya na nakipaglaban noon kay Garp. Pero sa bagong henerasyon ngayon ng mga bagong pirate ay nalampasan na siya.

 

#15 naman ay si Eustass D Kid

 

SIya ay miyembro ng Worst Generation at masasabi din natin na isa siya sa mga mapangananib na myembro nito  Dahil na din  sa kanyang magnetic na lakas at ang kanyang brutal na pagkatao. Tignan din natin ito kung gagamitin nya ito sa pagtatapos ng wano arc.

 

Mayroong potensyal na mas madevelop pa niya ang kanyang conquerors haki katulad ng nangyari kay monkey d lufi ngayon. Kayat abangan natin ito.

 

Ang pang labing apat ay si potgas d ace.

 

Siya rin ay user ng conquerors haki. Ayun nga lang ay nawala siya kaagad sa main story ng one piece dahil sa kanyang mabilis na pagkawala at hindi pa natin nakita ang full potential siya. Sad face.

 

Sunod ay si bowa hancock.

 

Isa siya sa pinaka malkas na babae sa mundo ng one piece. So far ang nakikita natin na karibal niya na isa sa malakas na babae ay si bigmom.

 

Gamit ang kanyang conquerors haki at ang devil fruit niya na mero mero ni mi at maging ang kanyang fighting skills masasabi natin na isa nga siya sa mga perpektong babaeng mandirima sa one piece.

 

Wag din nating kalimutan ang kanyang magandang looks.

 

Ang pang 12 ay si roronowa zoro.

 

Ang conquerors haki nga nitong si zoro ay nananatili pa din na isang misteryo. Bakit kaya lumabas ito ngayong nasa onigashima sila. Ano ang rason. Maaari bang ang enma ang nagpalabas nito sa kanya.

 

Pero ang maliwanag sa ngayon ay ang potensyal niya ay napakaganda at useful. Nakita natin na kayang takutin ni zoro ang mga kalaban katulad ng nangyari noon kay monet.

 

Nakita noong pinagsama ni zoro ang conquerors haki sa asura, nakita natin na nasugatan dito si kaidu. Ayon kay kaidu ang sugat ay mananatili bilang peklat.

 

Ang sunod naman ay si donquixote doflamingo

 

Noong nakaraan sa dressoras arc. Naisip natin na itong si doflamingo ay mahirap na kalaban ng mga strawhats dahil isa siya sa mga nakamaster ng lahat ng types ng mga haki.

 

Gayunpaman, noong pumasok si lufi sa new world. Ang lakas niya ay madaling nalampasan ng mga ibang mga pirate maging si lufi.

 

Ang pang sampu ay si charlotte katakuri.

 

Ang pinaka famous na kapangyatihan nito ay ang kenbonshoku haki na nasa high level. Idagdag pa natin ang kanyang malakas na conquerors haki. Ang laba nan nina lufi at katakuri ng kanilang haki ay nakapagpakita sa atin na cracked mirror effect noong sila ay naglaban.

 

Ang pang siyam naman ay si monkey d lufi.

 

Simula noong nalaman natin si lufi na may conquerors haki naisip natin na siya mapanaganib na isang pirate. Nakita natin na tinatakot nya ang mga hayop na nakikita niya maging ang mga mahiinang mga warrior o mga pirate.

 

Ngayon ay nakokontrol na ni lufi ang aknyang conquerors haki. In terms naman sa lakas, nagawa din niyang mapatuma itong si doflamingo at si katakuri. Ngayon ay kailangan na lamang niyang maperfect ang kanyang haki para malampasan ang mga yongko.

 

Sa onigashima, nagsimula na si lufi na pagsamahin ang kanyang kapangyarihan gamit ang conquerors haki kaya’t nagawa niyang maitulak itong si kaidu.

 

Kung matatalo nga ni lufi si kaidu ay instantly na magiging yongko level na si lufi.

 

Ang pang walo naman ay si sengoku.

 

Kahit na malimit natin siyang nakikita ay mayroong pa ring malakas na conquerors haki siya. Kahit na siya ay matanda na, siya pa rin ay veteran na minsan ay nakipagsagupaan sa mga malalakas na pirate noong unang panahon at henerasyon ng one piece.

 

Sunod naman ay si kozuki oden.

Patay na si oden pero ang taong ito ay nakakainteres pa din. Siya pa lamang ang nagiisang tao na makagawa ng sugat kay kaidu gamit ang kanyang enma sword. Sumama din siya sa grupo ni whitebeard at ni gol d roger. Natalo din niya ang mga malalkas na kalaban na katulad ni Ashura doji.

 

In terms sa lakas, masasabi natin na extradordinary si oden. ang kanyang conquerors haki ay malimit din na ipinakita sa kanyang flashback hanggang siya ay mamatay.

 

Ang pang anim ay si charlotte linlin o mas kilala sa tawag na bigmom.

 

Isa siya sa mga overpowered na mga character sa one piece ngayon. Imagine ninyo, siya ay mayroong malakas na katawan simula pa noong siya ay ipinangnak. Mayroon din siyang busoshoku haki, elbaf technique at syempre conquerors haki.

 

Ang pagtalo kay bigmom ay hindi madali maging ng kanyang mga katulad na yongko. Sina kaidu at bigmom ay mayroong matagal na paglalaban at sa huli ang laban nila ay nagtapos sa isang draw. Ang mga pag atake ni bigmom kay kaidu ay hindi din nakapag bigay ng seryosong injury kay kaidu.

Ang ikaapat ay si kaidu.

Ang clash ng kapangyarihan ng laban nila ni bigmom ay usually napapakita lamang kung ang dalwang users ay may conquerors haki na ginamit nila sa laba nan. DIto natin masasabi na mayroong haoshoku haki nga itong si kaidu.

 

In terms naman sa pisikal na lakas. Si kaidu ay halos magka pareho lamang sila ni bigmom. Ang lakas ng mga suntok niya lalong lao na noon unang tinalo niya si lufi at si oden ay makikita natin na napaka bagsik.

 

Well, si kaidu ay kayang pagsamahin ang conquerors haki sa kanyang mga atake. Ang raimei hake, isa sa mga atake ni kaidu ang nagpabagsak kay lufi ng one hit lamang.

 

Ang ikatlo ay si Whitebeard.

 

Confirmed din na mayroong conquerors haki ang old pops natin. Noong bata pa siya, talaga namang kinatatakutan siya. Siya ay kasing lakas nina kaidu at bigmom. Hindi nga naman aabot sa limang bilyong beli ang kanilang wanted poster kung hindi talaga sila malalakas.

 

Noong siya ay tumanda ay nagkasakit, siya ay kinailangan pa ding tirahin pa din ng iba’t-ibang mga sandata at armas bago siya mapabagsak at mamamatay.

 

Ang number two rank ay si Shanks.

 

Yes si shanks ang top 2. Ibig sabihin ba nito na mas malakas sya kaysa kina bigmom at whitebeard?

Isa pa din nama iton sa mga misteryo sa one piece. Pero kung conquerors haki ang paguusapan. Siya ang pinaka espesyal so far. Kahit pa muntik nang matumba ang mga tauhan noong ni whitebeard noong nakaharap nila si shanks. Ang nakatayo lamang noon ay si marco at jozu.

 

Ngayon kung top 2 ang kanyang ranking ay masasabi natin na siya talaga ay napakalakas na pirate. Imagine kung isasama niya ang kanyang conquerors haki sa pag atake gamit ang kanyang espada.

 

Ito baa ng dahilan kung bakit nirerespeto ni kaidu si shanks.

 

Ang huli at ang pinak malakas na conquerors haki user ay syempre ang hari ng mga pirate na si gol d roger.

 

Noong naglaban sila ni whitebeard, nakita natin ang pag spark ng haoshoku haki sa kanila.

 

Kahit na matagal ng patay ang pirate king kung paguuspana natin ang conquerors haki ay siya pa din ang pinakamalaks na user nito.

 

Ito nga ang top 16 order ng mga conquerors haki user na naconfirm natn sa official manga plot.

 

Ano sa tingin nyo mga ka pika. Comment lamang kayo. Salamat!

 

Sabado, Abril 3, 2021

Si BlackBeard ba ang susunod na Joy boy?

 Si BlackBeard ba ang susunod na Joy boy?


Si Marshall D Teach o mas kilala sa one piece na Black beard ay hindi ang tao o pirate na hinihintay ni Gol d roger.


Noong nakaraan, narinig din natin at sinabi din ito ni whitebeard na hindi nga talaga sya ang taong hinihintay ni gol d roger. Kasama ni roger si kozuki oden noong narinig nila sa mga sea kings ang pagsilang ng dalawang rulers.

ang sabi nga ng mga sea kings ay mayroong ipapanganak na dalawang rulers at sila ay ang hinihintay nila. Gayunpaman, si marshall d teach o si black beard ay hindi ang taong iyon. Alamin natin kung bakit. Tara na at mag intro tayo.


Unang rason ay noong nagbigay ng prediksyon ang mga sea kings ay sinabi nila na ipapanganak ang dalawang tagapamuno ng mundo.  Sa pagkakataong ito, masasabi natin na hindi nga talaga si blackbeard ito. dahil siya ay naipanganak na sa oras na nagsabi ng prediksyon ang mga sea kings. Sa chapter nine hundred sixty-eight. 


Sina roger at oden ay nakarinig ng prediksyon mula sa mga sea kings. Ang sabi nila ay ipapanganak ang dalawang leader sa kalapit na dagat. Ayon naman kay roger, nararamdaman niya na isang pirate ang ipapanganak at siya ang makakahigit sa kanya. Pero noong sinabi nga ng mga sea kings ang mga ito ay nakita natin na ipinanganak na si black beard kaya ay wala ng chance si blackbeard na maging siya ang tinutukoy ng mga ito.


 Kung si black beard nga talaga ang tinutukoy ng mga sea kings ay dapat iba ang pagkakasabi ng mga ito. Dapat ganito ang sinabi nila. May isang bata na ipinanganak na at hindi pa niya nakikita ang kanyang tunay na potensyal. Parang ganyan dapat ang dayalogo na sinabi nila.


Anyway. Hindi talaga si teach ang tao na tinutukoy ng mga sea kings. 

Ikalawang rason ay gumawa ng plano itong si black beard pero hindi nya isinali ang mga fishmans.


Hindi lang si marshall d teach ang may planong maging isang pirate king. wag na wag nating kakalimutan si blackbeard. 


Hindi lang si monkey d lufi ang may planong maging isang pirate king. wag na wag din nating kakalimutan si blackbeard. Noong una pa lamang ay may plano na si blackbeard. simula pa ito noong siya ay naging isang shishibukai. lalo na noong siya ay nagpunta sa impel down para magnakaw ng devil fruit at ibibigay niya sa kanyang mga crewmates.


So far, hindi natin makikita na isinali ni blackbeard ang fishman sa kanyang mga plano. Sa totoo lang, kung maaalala nyo ang prophecy ng mga sea kings na narinig ni roger. Ang one piece na kayamanan ay related kina Poseidon at ang susunod na joy boy.


Nakapaka-unique kasi. ito ay halos katulad na sitwasyon ng kay gol d roger noon. Alam niya na may isang isla pagkatapos ng lodestar. Siya ay nagkolekta ng mga impormasyon at paraan para makapunta sa huling isla maging ang pag rekrut niya kay kozuki oden. gayunmman, ang pagdating nila sa huling isla ay parang hindi nila masyadong naplano at napaghandaan.


Ang personality naman ni blackbeard ay hindi isang savior kundi isa siyang destroyer. In short, siya ang mortal na kalaban sa one piece. Isa rin siyang oportunista dahil gagawin niya ang lahat makakalap lamang ng mga impormasyon tungkol sa laugh tale at sa one piece. 


Kung ang katulad na pirate na kagaya ni blackbeard ay makaka alam tungkol sa prophecy ng mga seakings ay siguradong dadakpin nila si shira hoshi. dahil siya ay ang Poseidon na isa sa mga ancient weapon. Para makuha ni blackbeard ang lahat ng naisin niya, maaari siyang makagawa ng death at destruction para lamang sa kanyang sariling interes. 


Katulad ito sa impel down maging sa drum kingdom kung saan nakita natin si wapol. Si blackbeard ay hindi isang ruler na hinahantay ng mga sea kings. Sa totoo lang, maaaring ito ang rason na sinabi ni whitebeard na kung saan ay kaagad niyang sinabi kay blackbeard na hindi siya ang taong hinihintay nitong si roger. Maaaring nalaman din ni whitebeard ang kwento ng buhay nitong si gol d roger at tungkol din sa mga sea kings dahil ang nais ng sea kings na mamahala sa kanila ay iyong may mabuting puso at kalooban. hindi katulad ni blackbeard na masama.


Maaari din nating sabihin na maaaring mangyari kay blackbeard ang nangyari kay gol d roger. Ang nangyari kay oden ay nakakonekta sa pagpunta niya  sa laugh tale.


 Alam niya na ang sikreto ng mundo ay naroon pero hindi pa niya magawang maakses ang pinaka main na kayamanan sa laugh tale. dahil kung maaalala niyo sa previous kong video ay sinabi ko dito ang mga clue tungkol sa one piece.


 Kung hindi niyo pa napapanood ang video ay tsek ninyo ang link na ilalagay ko sa description ng vidyong ito. Sinabi nina roger at ray lei na dumating sila sa laugh tale ng napakaaga. Sa panahon nila ay wala pa at hindi pa naipanganak si Poseidon. Maaaring magaya dito si blackbeard. Ang mga crew ni blackbeard ay mauunahan ang mga strawhats na makapunta sa laugh tale.

 Pero kung makarating man sila doon ay hindi din nila maaksess ang main na kayamanan dahil hindi nila alam ang promise ni Joy boy kay Poseidon. 

At iyan nga ang aking analysis at pananaw tungkol kay blackbeard na hindi siya ang magiging successor nitong si joy boy.

Ano sa tingin ninyo mga ka pika. Magcomment lang kayo. Maraming salamat sa panonood ng aking video.


Mga anim na rason kung bakit deserving si roronoa zoro na maging pirate captain sa one piece

 

Mga anim na rason kung bakit deserving si roronoa zoro na maging pirate captain sa one piece

 

 


Naaalala nyo ba noon na napagkamalan din si roronowa zoro na kapitan ng straw hats pirates.

 

ALam natin na napakaloyal ni zoro sa kanyang kapitan na si monkey d lufi.  Gayunpaman, dahil sa kanyang dating reputasyon bilang isang pirate hunter at kanyang cool na pagkatao, minsan ay napagkakamalan si Zoro bilang kapitan ng Straw Hat. Lalo na noong hindi pa sikat si Lufi.

 

Pero paano nga kaya kung naging pirate captain si zoro. Actually, napaka deserving din talaga niya bilang isang kapitan sa kanyang grupo. Pero wag nating kakalimutan na ilayo natin siya bilang navigator ng grupo dahil alam nyo na ang dahilan.

Narito ang anim na rason kung bakit siya deserving na maging pirate captain.

Para sa mapilit na usapin, si Zoro ay mas mapilit kaysa sa kanyang sariling kapitan. Lalo na kung hindi ito tinanggap ni Zoro kapag may umalis sa kanilang  grupo, at pagkatapos ay susubukang sumali muli nang hindi humihingi ng tawad.

 

Halimbawa ay nilinaw niya kay lufi na huwag na huwag nang tatanggapin pa si Usop sa kanilang grupo hindi siya hihingi ng paumanhin.

 

Pero hindi rin naman lahat ng pagkakataon na matigas ang papanaw nitong si zoro. Kung ang sitwasyon ay relax, ganun din naman siya. Kagaya na lang ng kay usop, since magkakilala naman sila at talaga namang myembro ng strawhats ay okay lamang iyon sa kanya.

 

Kung paguusapan naman natin ang lakas ni zoro ay hindi natin maitatanggi na isa siya sa pinakamalakas sa kanilang grupo. Maaari nating sabihin na siya ang pumapangalawa kay lufi dahil siya nga rin ay ang vice captain ng strawhats piates. Siya rin lang naman ang recognized na first strawhat crew na nakabreak sa 100million belly na bounty. Kaya’t siya ay napasali din sa 11 na supernovas kahit na hindi siya kapitan ng kanyang grupo. Kaya kung sa terms ng lakas ay deserving talga itong si zoro.

 

Sa likas na kalagayan, si Zoro ay mas mahirap linlangin kaysa kay Luffy.

 

Sa Cactus Island, tanging sina Zoro at Nami ang hindi naloko ng mga ahente ng Baroque Works.

 

Samakatuwid, nang makatulog ang iba pang mga Straw Hats, siya ang unang pumatay nang mag-isa sa mga agents  ng Baroque Works.

Idagdag pa natin na itong si zoro ay isa sa mga seryosong mga karakter sa one piece. Pero ngumingiti din naman siya at tumatawa at syempre nagpapakita din siya ng mga nakakatawang mga expressions kung weirdo ang sitwasyon pero madalas pa din naman nating nakikita na seryoso talaga siya.

 

Gayunpamankahit na napakseryoso niya ay convern pa din siya sa kanyang grupo. Kung mayroong makikipaglaban sa kanya o kaya sa kanyang mga grupo ay hindi rin siya nagdadalawang isip na lumaban din. Sa point na ito ay parang katulad niya dito si lufi.

 

Halimbawa nito noong nasa thriller bark sila. Nais ni sanji na sugurin si kuma pero pinigilan ito ni zoro. Ayaw na ayaw man ni zoro si sanji pero nakita natin sa pagkakataong iyon na mas nais ni zoro na isakripisyo ang kanyang buhay at hindi ang kanyang mga kasamahan. Nagdesisiyon noon si zoro na tutulungan na lamang niya si sanji at siya na lamang mismo ang magsasakripisoyo.

 

Hindi sa kompetisyon nang dalawa pero ito ay tungkol sa pagkakaroon ni zoro ng responsibilidad sa kanyang mga kasamahan dahil siya ang tumatayong vice captain ng kanilang grupo at para maibwasan ang sakit na nararamdaman ni lufi sa eksesanang ito.

 

Sa grand line kung saan ang dagat ay may kakaibang mga misteryo. Marami sa mga piratang napupunta dito ay nawawalan ng will power. Marami sa kanila ang gusto na lamang bumalik sa new world. Katulad ni lufi, ang will power din ni zoro ay nasubukan. Simula noong nilabanan nila si arlong kahit pa man ay malubha siyang nasugatan noon. Idagdag na din natin ang nakita natin na sinubukan niyang patigilin ang bidcage na ginawa ni doflamingo. Si zoro ang tipoong hindi basta basta sumusuko.

 

Isa ito sa mga trait at charactersitics ng isang pirate captain.

 

SI zoro ay may dignidad. Sa totoo lang, ito ang rason kung bakit si zoro ang napagkakamalang kapitan ng kanilang grupo na strawhats noong panahon na hindi masyadong sikat itong si lufi.

 

Dahil sa cool nga na personality niya ay nangyari ito.

 

Dahil diyan sa mga karakteristics niya maging ang kanyang natural na lkas ay madali lamang niyang napapasunod ang mga tao nang walang hirap.

 

Noong sila ay nasa dressrosa nakita natin na napasunod niya dito sina kanjuro at kinemon at nakita din natin na sinigawan pa niya ang mga ito. Alam natin na si kinemon ang leader ng nine red scabbards at madali pa rin niya silang napasunod.

 

At ayan nga mg aka pika ang aking video tungkol sa maaaring potensiyan ni roronowa zoro na maging isang pirate captain sa mundo ng one piece.

 

Maraming salamat sa panood mga ka pika.

 

 

 

DR. VEGAPUNK THEORY!!




 DR. VEGAPUNK THEORY!!

Kamusta mga ka pika! Pagusapan natin ngayon si dr. vegapunk.

 

Ang misteryo na pumapaligid sa karakter ng one piece na si Dr. Vegapunk ay itinuturing na isa pa din sa mga misteryo na hindi na nareresolba sa kasaykasayan ng one piece.

Sino ng aba talaga siya.

 

Alam lang natin na siya ay isang matandang tao. Ito ay ayon sa mga G-5 soldiers na nagtatrabaho sa marine scientific unit at diyan din siya naka base. In short. Sa lugar na futuristic kingdom of baldimore sa karakuri island diyan natin siya makikita.

 

Si dr. vegapunk ay kilalang scientist ayon ito kay Bartholomew kuma. Siya rin daw ay ang pinaka matalinong tao sa one piece. Ang kanyang talino ay limandaang libong taon ang advance sa kasalukuyang panahon ngayon sa one piece.

 

Narito ang kanyang mga scientific achievements.

 

1.      Nagawa niyang mapalagpas ang mga navy ships sa calm belt sa pamamagitan ng paglagay ng sea stone prism sa paanan ng mga barko para maiwasan ang mga sea kings.

2.      Si dr vegapunk din ang nakadiskubre ng lineage factor kasama niya dito si vinsmoke judge at iba pang mga siyentipiko. Ang lineage factor ay ang blueprint ng isang buhay. Ang lahat ng buhay ay mgyroong lineage factor at kung mamanipula ang taon at lifeform ay maaari itong mabagao. Ang pagkain din ng devil fruit ay makakaapekto din sa lineage factor.

3.      Siya rin ang nakainbento ng artificial life form katulad ng isang dragon. Mayroon siyang nagawang dtagon. Isa ito sa napatay ni roronowa zoro at ang isa naman ay napatay ni brook at kinemon sa punk hazard.

4.      Sinubukan din niyang makagawa ng humans enlargement pero hindi siya ay nabigo

5.      Siya rin ay gumawa ng obserbasyon sa mga devil fruits.

6.      Pinagaralan niya kung paano nakakakuha ng kapangyarihan ang isang tao kung makakain ng devil fruit. Salamat sa lineage factor.

7.      Pinagaralan niya kung paano maililipat ang kapangyarihan ng devil fruit sa mga bagay na walang buhay katulad ng espada at mga kanyon.

8.      Siya rin ay gumawa ng artificial a devil fruit pero ito ay isang failed experiment. Ang devil fruit na ito ay nakain ni momoniske sa punk hazard.

9.      Gumawa din siya ng research sa mga high tech weapons.

10.   Gumawa siya ng ibat ibang robotic na mga animals.

11.   Siya rin ang gumawa ng pacifista. Ang pproyekto na ito ay ang nag modify kay Bartholomew kuma na maging isang cyborg. Gumawa siya ng cybernetic replica ni kuma maging ang kanyang kapangyarihan at ang kanpangyarihan ng kanyang devil fruit na pika pika no mi sa kanyang katawan ay may kakayahang makagawa ng laser beams.

12.   Siya din ang gumawa ng heating system sa mga naninirahan sa karakuri island. Sa kasamaang palad, ay nawalan ng pondo at mga kagamitan para matapos ang proyekto na ito.

Enel ministory

 

Si enero ay may pirate ship na tinatawag niyang maxim. Sya ay nakarating sa buwan at kinokonsider niya ang buwan bilang Sacred land o Fairy Vearth. Sa buwan ay nakilala niya ang apat na maliliit na sugatan na mga robot dahil sila ay inatake ng mga space pirates. Ang mga apat na maliit na robot ay maaaring nagmula sa earth upang ipaghiganti nila ang kanilang professor na si tsukimi na minsan ay tumira sa isla kung saan ipinanganak si Dr. Vegapunk, sa Karakuri island.

 

Ang salitang tsukimi ay nangangahulugan sa ingles na contemplation of the moon.

 

Natalo ni eneru ang mga space pirates na humahawak sa mga archaeological excavations sa lunar soil, ito ay kinokonsider nga niyang sagradong lupain.

 

Kasama ng mga apat na maliit na robot ay nakita din ni eneru ang mga labi ng isang sinaunang lungsod sa loob ng isang kweba.

 

Sa loob ng kweba. Matapos gamitin ni eneru ang isang electrical discharge ay naactivate ang enerhiya ng lungsod. Dahil dito. Nagkaroon ng enerhiya ang isang capsule na maaaring kinalalagyan ng mga robot na kanyang isinalba at nagkaroon sila ng mga pakpak.

 

Nakita natin kung paano tinitigan ni eneru ang mga painting na nakita niya sa sinaunang lungsod. Maaaring ang mga robot ay ginawa ng mga naninirahan sa ancient city na tinatawag na birka. Makikita din natin dito ang mga tatlong uri ng mga tao sa moon. Ito ang mga birkans, skypeaians at shandians.

 

Ang birka ay kapareho ng panglan sa sky island na nasa timog silangan, malayo sa skypiea. Pero ito ay biglang nawala sa mapa anim na taon ang nakalipas. Ayon kay Mckinley, kapitan ng white berets, skypeia police force. Ang lugar na ito ay kung saan isinilang si eneru at ang kanyang mga tagasunod. Makikita it osa chapter 279-volume 30 ng one piece.

 

Ayon sa explanation sa chapter 472, noong nawalan ng mga pagkain ang mga tao sa lungsod, sila ay lumipat sa blue star o tinatawag na planet earth. Ang mga maliliit na robot naman ay nanirahan sa buwan kaya’t makikita natin na sila ay malungkot.

 

Posible rin na sa mga resources na kanilang tinutukoy ay ang mga mink tribes. Subukan nating pag aralan ang mga ito.

 

Maaari na ang lungsod ay nangailangan ng malaking halaga ng elektrisidad para sa operasyon. Alam natin na ang mga mink tribe ay kaya ring makapag produce ng electric shocks sa kanilang mga katawan na tinatawag nilang electro.

 

Posible na ginamit sila bilang mga slaves para mapagana at makapag bigay ng enerhiya para sa lungsod. Mayroon ding point na maaari din silang makapag transform gamit ang kanilang sulong transformation na kung saan ay ginawa nila ito para sila ay makatakas patungo sa earth.

 

Ito lamang ay isang theory. Pero kailangan nating intindihin na sa tuwing makakakkita sila ng full moon ay nakakapagtransform sila kahit sa maikling panahon at dito sila nagkakaroon ng mas malakas na kapangyarihan. Ito rin ay maaaring konektado sa kozuki clan. Noon diba ay nakita natin na ang mga kozuki ang nag welcome sa kanila sa earth.

 

Ipagpatuloy ntin an gating kwentuhan sa ancestral city sa moon. Ayon kay propesor clover sa ohara. Ang mga angkan ng D ay nanirahan noon at mayroon silang malakas na kapangyarihan at ngayon ay maiintindihan natin kung paano nila nakuha ang ganito lakas at kapangyarihan. Maaaring ito ay nagmula sa mga tao na nanirahan sa ancestral city sa moon dahil sila ay mayroong advance na technology kaysa sa earth,

 

Ayon sa theory ng skull island. Alam natin na noong 800 years ago ang great kingdom ay kaparehong teritoryo ng Old island of jaya at ang island of dawn. Ito ay sinasabi na ang mga clan ng mga D ay nanirahan kasama ang mga shandians na isa sa mga races ng mga taga Moon.

 

Ang tanong ay ano ang kinalaman ni Dr. Vegapunk dito?

 

Sa totoo lang, maaaaring may kinalaman si vegapunk sa ancient civilization sa moon.

 

Una sa lahat ang kanyang koneksyon kay professor tsukimi dahil pareho silang ipinanganak sa karakuri island. Masasabi din natin na si professor tsukimi din ang imbentor ng mga maliliit na mga robots.

 

Habang inoobserbahan ng propesor ang kanyang mga maliliit na mga imbensyon ay nakita niya ang pagsabog sa moon at dito rin natakot ang propesor at siya ay nabulunan ng isang dango na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

 

Matapos ang paglibing sa propesor. Ang mga maliliit na mga robot ay naghiganti kung bakit nagkaroon ng pagsabog sa moon. Sa mga reaksyon ng mga robot, maaaring nating sabihin na mayroon silang emosyon at amy kakayahan silang makaalala ng mga nakita nila katulad ng nangyari sa isang robot na naalala kung sino ang kanilang imbentor. Ang misteryoso dito ay magkatulad ng itsura ang mga robot na ito na nahanap ni eneru sa ancient city ng birka. Paano kaya nalaman ni professor tsukimi ang itsura ng mga birka robots.

 

Maaari ba na ang minana na karunungan maging ang blueprints sa mga ninuno nito ay may kaugnayan sa great realm?

 

Pangalawa ay mayroong talino si vegapunk ng limandaang taon advance sa kasalukuyang panahon. Kung iisipin natin. Maaari na nakuha niya ang ganitong karunungan sa pamamagitan ng pagaaral ng teknolohiya ng ancient civilization sa moon.

 

Idagdag din natin ang tungkol sa devil frutis. Maaari ba na ang pinagmulan ng mga ito ay galling sa ancestral civilization. Sa totoo lang ay sinabi rin ni oda sa SBS questionsa volume 48 na sa hinahrap ay mayroong isang doctor na magpapakita sa kwento at siya ang mageedxplain ang tungkol sa mga devil fruits.

 

Ang unang beses pa lamang na ipinakita ni oda si dr. vegapunk ay mayroon siyang mahabang mukha.

 

Tignan din natin ang simbolo na makikita sa mga space spirates.

 

Ang jolly roger nila ay mayroong mahabang bungo na katulad ng ulo ni vegapunk. Mayroon bang relasyon si egapunk at ang mga piratang ito?

 

Si Bartholomew kuma at ang mga space pirates ay mayroong metro o cybernetic enhancements. Dito tayo magsuspetsa na si dr. vegapunk ay maaaring bumuo sa mga space pirates.

 

Kung makikita din natin ang laboratory ni vegapunk na ginamit niya sa kanang research sa punk hazard ay makakakita din tayo ng mga misteryo.

 

Makiktia natin sa bandang kaliwa ang isang dilaw na box. Ito ay nagrerepresent sa double helix DNA structure. Ito ay maaaring simbolo or research tungkol sa lineage factor.

 

Nasa kanan naman ay ang pulang box. Makikita natin dito ang mag satelliee, na maaaring realted sa imbestigasyon sa outer space.

 

Ang mga impormasyon ay kaunti lamang pero kung iisipin natin ang theory ko ay ganito ang macoconclude natin.

 

Una.

Si dr vegapunk ay maaaring nakakauha ng karunungan sa pagaaral ng teknolohiya ng great kingdom.

 

2. ang space pirates ay maaaring mga cyborg na may animal form na kasali sa outer space exploration unit na ipinadala ni dr. vegapunk sa moon para maakuha ng mga impormasyon tungkol sa ancient civilization maging ang teknolohiya nila.

 

Alam natin na si enel ang siyang kumukontrol ngayon sa moon kasama ang kanyang mga maliliit na robot army kaya sana ay Makita din natin ulit siya at bumaba sa earth para malaman natin ang misteryo nito.

 

3. ang bagong armas ng marines na tinatwag nilang SSG ay maaaring full version ng PAcifista na maaaring nagamit ang lineage factor. Nakakuha sila ng ibat ibang skills sa devil fruit. Idagdag din natin na nag bagong modelo ay maaaring gawa sa wapometal. Ito ay isang special na alloy na ginawa ni wapol.

 

Kung maaalala niyo. Sinabi ni luffy na

 

Luffy: "I have the feeling that we will meet again somewhere"

 

Posible kayang magharap ulit si sentomaru at lufi sa hinaharap o sa wano kuni kasama ang mga bagong pacifista model?

 

4. mayroon ding komeksyon si dr. vegapunk sa wano kuni.

 

Kung maaalala niyo ang mga tao na may drawing na mata sa kanilang mukha. Sila ay mga spy ni kaido at maaari nilang Makita ang mga lugar or para maintindihan ay para silang mga cctv cameras. Sila nga ay mga cyborgs maaaring sila ay ginawa ni dr. vegapunk para matulungan din si kaidu.

 

Si sentomaru ay ang kapitan ng scientific unit ng navy headquarters at ang body guard ni vegapunk. Ang kanyang appearance ay maliwanag na naka base sa Japanese fol hero na si kintaro.

 

Alam din natin na si dr. bvegapunk ay originally na taga karakuri island kung saan si professor tsukimi ay isinalang din kaya posible na sialng dalawa ay nagkita na. subalit, si professor tsukimi ay nakatira sa tradisyonal na Japanese style na bahay. Maaari din ban a taga wano kuni din siya?

 

Sa SBS volume 93, sinabi ni oda na si tenguyama  hitetsu at ang kaanyang tea pot ayy nakakain ng INU INU devil fruit tanuki model. Paano kaya nalaman ni hitetsyu ang pagtransfer ng kapangyarihan ng devil fruit sa hindi gumagalaw na bagay? Bakit sa takure pa?

 2. sinabi rin ni orochi sa mga cp-0 na dalhin sa kanya si dr. vegapunk.

3. nagexplain din si basil hawkin tungkol sa seastone na ito ay nagmula sa wano kuni at alam natin na madalas itong gamitin ng mga maines. So in short, si dr.vegapunk ay may malaking koneksyon sa buong mundo at kwento ng one piece.

 

Maaaring ipapakilala si dr. vegapunk sa hulinh bahagi ng one piece story.

 

Narito ang posibleng mukha ni egapunk,

 

Salamat sa panonood mga ka pika!!

 



 

Martes, Marso 30, 2021

SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC


 


SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC


Mas kilalanin natin at pagusapan natin ang batang si o-tama sa one piece. 

Si o-tama ay isang bata sa wano kingdom na nakatira sa tehiyon ng kuri. Siya ay isang kasa weaver at kunoichi in training. Mayroon siyang alaga na komainu, isang higanteng hayop na may katulad sa aso na may baboy na ilong at leyon na katawan. Ang pangalan nito ay komachiyo na loyal na alaga ni o-tama.

Sa pagbubukas ng wano arc ay nakilala na din natin siya. Siya ay maliit at payat na batang babae at napakacute din niya. Mabilis din siyang makipagkaibigan lalo na noong unang makasalamuha si lufi.

Si tenguyama hitetsu ang tumatayo na master niya at siya rin ang nagaalaga kay o-tama. Naalala nyo ba noong sinabi ni lufi na namatay na si ace ay nalungkot ang bata dahil nakilala niya din pala ang kapatid ni lufi dahil minsan ay bumisita sa wano kingdom.

Noong nagpunta si ace sa wano ay nagkaroon ng pagkakaibigan ang dalawa. Nais din noon na sumama ni o-tama kay ace para maging isang pirate pero hindi pumayag si ace dahil sa edad niya. Gayunman, ipinangako ni ace na magkikita pa sila kapag naging ganap na kunoichi na siya at aantayin niya daw ang bata sa kanyang pirate ship. Noon sinabi nga ni lufi na patay na si ace ay nalungkot ng sobra si o-tama. Dahil dito ay inatake ni hitetsu si lufi dahil ginawa niyang malungkot si otama. Hindi makapaniwala si o-tama sa pagkamatay ni ace. Pero noong ginamit ni lufi ang gomu gomu no red wak kay holdem ay naalala ni o-tama si ace.

May natatangi din na devil fruit si o-tama. Siya ay nakakain ng devil fruit na paramecia type na kayang makagawa ng isang dango sa kanyang pisngi. Ang pambihirang kakayahang ito ay kayang makapag pa amo sa mga hayop at kaya ring makapag tanggal ng gutom.

Pagusapan natin ang malaking tulong ng kapangyarihang ito ni o-tama na magagamit nila sa wano arc.

Una nang napaamo ni o-tama si speed. Si speed ay isang shinuchi sa beast pirates na nagbabantay sa bakura town. Siya ay nakakain din ng smile fruit na horse type.

 Pero naging kakampi ni o-tama simula noong makakain siya ng kibi dango na ginawa ni o-tama.

Nakita natin ito sa one piece manga 918 ang pagkontrol ni o-tama sa mga smile users.  Maaari din ban a makontrol ni o-tama ang mga zoan devil fruit users. Narito ang aking analysis.

Sa mga huling bahagi ng mga chapters ng one piece, nakita natin na ang mga element ng hayop sa smile devil fruit at ang tao na nakakain ng smile na devil fruit ay maaaring ma separate. Ang pinaka magandang halimbawa nito ay si holdem. Nakita natin sa chapter 918 na itong si kamjiro, siya ay ang lion ay may malay pa habang si holdem ay nawalan na ng malay. Ito ang patunay na ang dalawa ay pwedeng maghiwalay ng kanilang consciousness.

Lalo nitong pinalalakas ang mga palagay na ang zoan at smile devil fruits ay magkaiba.

Ang zoan devil fruit ay nagbibigay ng kalakasan sa isang form na kung saan nagpapalit ng anyo bilang hayop o ibang mga creature samantala ang smile devil fruit ay hindi nakapagbibigay ng lakas at hindi rin nagtatransform sa isang hayop kundi nakakakuha lamang ng mga attributes ng mga hayop sa isang tao na nakakain nito.

Ang mga elemento ay paiba-iba at random din. Ang mga smile users ay hindi nakakapagpili kung anong uri ng hayop o kaya katangian ng hayop na nais nila sa kanilang katawan. Mabuti na lamang na itong si holdem ay nakakuha ng extra lion head sa kanyang tiyan.

Inuulit ko.

Ang zoan devil fruit users naman ay may abilidad na makapagtransform sa isang hayop o ibang creature.

Kung mapapansin nyo naman sina speed at babanuki. Nakontrol na sila ni o-tama dahil nakakain sila ng kibi dango.

Bakit nga ba apektado si speed sa devil druit ni o-tama kahit na mukha naman siyang tao.

Ganito din ang nangyari kay babanuki sa udon prison na nakakain din ng kibi dango at naging tagasunod nitong si o-tama.

Kung titignan natin ng mabuti. Sinabi ni speed na ang kanyang paningin ay apektado ng isang kabayo at sinabi din ng kanyang mga tao na ang smile devil fruit ay horse type kaya’t ang lower part niya ay napalitan ng paa ng kabayo.

Ibig sabihin niyan ay ang katawan ni speed ay nagdikit sa isang kabayo maliban lamang sa upper portion ng kanyang katawan. Ang lower part ay mayroon na ding mga organs ng isang kabayo, siya ay nahahalintulad sa isang centaur.

Kaya’t kung ganito ang nangyari ang horse consciousness na nakafuse kay speed ay nakasalalay din sa consciousness ni speed.

Posibleng makontrol ito ni o-tama gamit ang kanyang kapangyarihan dahil nakontrol niya nag horse consciousness, dahil nga almost perpekto ang pagkafuse ng tao at ang kabayo sa katawan ay makokontrol talaga ito ni o-tama. Ang entire consciousness ni speed ay apektado sa kapangyarihan ni o-tama.

Sa una ay inakala ko na ang kapangyarihan ni o-tama ay epektibo lamang kay speed na may katawang kabayo gayon din pala kay holdem na nakafuse ang ulo ng leyon sa kanyang tiyan.

Sa case naman ni babanuki. Siya ay isang elepanto pero ang gumagamit nito ay may iba ibang senses. Pero nakontrol pa din siya ni o-tama.

Masasabi natin na ang mga smile users or eaters ay makokontrol talaga ni o-tama.

So ang tanong ngaoyn ay kung makokontrol ba ni o-tama ang mga real zoan devil fruit users?

Katulad ng aking nasabi noong una, may pagkakaiba ang devil fruit na zoan at smile.

Sa kasamaang palad ay hindi kayang kontrolin ni o-tama ang mga zoan devil fruit user dahil sila ay mga tao at kayang magtranform sa anyo ng hayop o creature.

Pero imagine nyo mga ka pika kung makokontrol nita talaga ang mg zoan users. Si otama na ang pinakamalakas na devil fruit user dahil makokontrol nya ang lahat ng mga tobi roppo at magiging mga followers niya at syempre baka pati na din itong si kaidu.

Katulad ng nangyayari ngayon sa onigashima, nakikita natin na nakokontrol na ni o-tama ang sitwasyon dahil sa plano niya kasama si yusop. Pinapakain nila ng kibi dango ang lahat ng mga smile users at lahat sila ay unti unti nang nagiging mga kaalyado ng mga strawhads. Biglaang nagbago ang sitwasyon dahil ang amga sundalo ni kaidu ay magpoprotect na kay o-tama.

So pano din kaya kung magpalit sa isang hybrid form ang isang zoan devil fruit user.

Kung magiging full form ang mga zoan devil fruit users ay baka magiging epektibo na ang kibi dango ni o-tama dahil wala na sila sa form ng isang tao. Pero ito lamang ay aking spekulasyon. Tignan na lamang natin ang mangyayari.

Idagdag din pala natin si chopper na isang zoan devil fruit user din. Siya ay isang reindeer o isang hayop, paano kaya kung nakakain siya ng kibi dango., susunod din ba siya sa utos ni o-tama?

Naisip ko din na may epekto din ang kibi dango sa mga mink tribes. Anyway. Pagusapan na lamang natin ito sa iba kong mga videos.


WATCH IN YOUTUBE --> SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC ONE PIECE TAGALOG - YouTube

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI


 

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI

 

 

Nagulat ba kayo sa latest chapter ng one piece 1008 dahil nagpakita at buhay pa itong si orochi. Well, marami din naman ang nakapagsabi na tunay na buhay pa talaga itong si orochi. Hindi rin naman kaagad, papatayin ni oda ang isang character sa one piece lalo na at hindi pa din naman natin nakita ang potensyal nitong si orochi sa wano arc.

 

Kung maaalala nyo mga ka pika. Nakita natin na pinugutan ng ulo ni Kaidu itong si orochi. Pero sa latest chapter na 1008 ay buhay pa pala siya. Paano kaya ito nangyari?

 

Narito ang aking theory tungkol sa pagkabuhay nitong si orochi.

 

Huwag ninyong kakalimutan na si orochi ay nakakain ng isang mythical zoan na devil fruit. Alam nyo ba kung ano ang kayang ibigay na kapangyarihan ng mythical zoan devil fruit kung si orochi ay na awaken na.

 

Katulad ng ibang mga mythical zoan users na ipinakilala na sa one piece. Halimbawa nito ay si marco, kaidu, devon at iba pa. usually nagbibigay ang devil fruit na ito ng karagdagang lakas at kapangyarihan sa mga users nito maliban pa kung nagtransform sila sa mga hayop.

 

Halimbawa nito si marco na may kapangyarihan na makapag regenerate. Si Catarina devon naman ay kayang makagaya ng mga forms ng mga tao at ang huli nating nakita si kaidu na nasa hybrid form na rin nya. Lahat ng mga ito ay nagkaroon ng additional na lakas maliban sa kanilang zoan form.

 

Dahil si orochi nga ay isang mythical zoan devil fruit user. To be exact ang kanyang nakain ay ang hebi hebi no mi model: yamata no orochi. Ito ay isang eight headed snake.

 

Kung ang yamata no orochi ay isang eight headed snake, maaari din nating isipin na ito ay maaaring dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi dahil ang devil fruit niya ay kayang makapagbigay sa kanya ng buhay kung gaano din karami ang ulo na naaayon sa yamata no orochi.

 

So kung napugutan siya noong una ay mayroon na lamang siyang pitong buhay ngayon na nakakapagpanatili sa kanyang buhay.

 

In short kung nais nating mapatay si orochi ay kailangan din siyang mamatay ng pitong beses pa.

 

Maaazing ito nga ang dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi.

 

Marahil ang iba sa inyo ay iniiisp na ang yamato no orochi ay nahahalintulad sa isang hydra pero iba ang principle ng hydra na makikita natin sa legend ni Hercules.

 

Ganito yan. Kung ang ulo ng hydra ay naputol, maaari itong tumubo ulit at mag multiply. Isang karagdagan din. Ang bilang ng ulo ng hydra sa Hercules ay magkaiba din depende sa bilang ng ulo na nawala.

 

Samanatala sa Japanese legend na yamata no orochi. Ang bilang ng ulo ng nawala sa ahas ay hindi na kailanman tutubo hindi katulad ng isang hydra. Ang bilang ng ulo nito ay sampu lamang talaga.

 

Kaya’t kung iniiisip ninyo na tumubo lamang ang ulo ni orochi ay hindi ito maaari. Maaari nating mapatay si orochi kung mamamatay ulit siya ng pitong beses pa kagaya ng sinabi ko kanina.

 

Sa Japanese mythology. Si Susanoo ang siyang nakapatay kay orochi sa pamamagitan ng pagputol ng walong mga ulo nito.

 

Maaari bang ang mga nine red scabbards ang siyang makakapatay kay orochi?

 

Kung mayroon pang natitirang pitong ulo si orochi ay katumbas nito ang mga nabubuhay at kasalukuyang  mga nine red scabbards.

 

Kung bibilangin ninyo sila mayroon tayong pitong myembro. At syempre ay hindi na natin idadagdag dito si kanjuro na siyang traydor saknila.

 

Sa one piece 1008 ay nakita natin na sumabog itong si Ashura doji noong sinugod niya ang pekeng kozuki oden. si inurashi naman ay kasalukuyang nakikipaglaban kay jack.

 

Kung ang dalawa sa kanila ay hindi Nabila. Mayroon tayong pitong mga miyembro ng nine red scabbards.

 

Maaari bang ang mga pitong ito ang siyang tatapos at papatay kay orochi? Sadyang nakakaexcite talaga ang mga pangyayari ngayon sa one piece. Ano sa palagay ninyo ang video kong ito mga ka pika? Mag comment lang kayo at patuloy na magssuporta sa aking channel.

 

salamat


watch in youtube -- BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI!!! ONE PIECE TAGALOG - YouTube

ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE


ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE



 Curious ba kayo kung ano ba talaga ang treasure sa One Piece na one piece.

Ito ay ang classic na tanong ng mga fans simula pa noong 1997. At wala pa talaga tayong konkretong kasagutan tungkol dito.

Gayunpaman, nakapag bigay na din si eichiro oda ng mga clues tungkol sa kayamanan sa pamamagitan ng pagpapakita niya sa isang legendary na pirate na si Kozuki oden. Gamit ang mga flashbacks nito at ang huling mga sinambit na mga salita ni Whitebeard o si Edward newgate.

Narito na mga pitong clues tungkol sa treasure na one piece na matatagpuan sa laugh tale.

Una ay alam niyo ba na si Gol D Roger ang siyang nagpangalan sa one piece. Isa ito sa mga nakakainteresadong clue. Noong nakaraan,natanong ko din sa aking sarili kung bakit one piece ang tawag sa one piece. Ibig sabihin ba nito na ito ay isang malaking kayamanan o isa lamang maliit na treasure. Ibig sabihin ba nito na ang mundo sa one piece ay mabubuo ulit. Gayunpaman, hindi rin naman sinabi ni roger ang tungkol sa kayamananan na ito sa flashback ni kozuk oden. sa anime, nakita din natin na mayroong tao na nagtanong kung ano ang one piece bago pa man ma execute itong si roger. Kung ang pangalan na one piece ay ipinangalan lamang ng isang tao, nakaka pagduda din kung ito nga ay nagrerepresent sa tunay na form ng kayamanan ni Gol D Roger.

 Pangalawa ay tama kayong nasa laugh tale ang kayamanan. May mga theory din na nakapagsabi na nag treasure ay hindi nasa laugh tale at ang laugh tale ay magbibigay lamang clue sa tunay na kinaroronan nito. Pero naconfirm natin ito sac hater nine hundred sixty-seven na nasa laugh tale nga ang kayamanan.

Pangatlo. Ang kayamanan ay naka separate sa impormasyo ng mundo sa laugh tale. Batay sa pagkakasulat ni kozuki oden sa kanyang journal o kaya ay diary. Ang one piece ay hindi lamang basta isang impormasyon. SInulat ni oden ang mga impormasyon tungkol sa kanyang mga natutunan sa mundo ng one piece series at nakaseparete din ang impormasyon tungkol sa kayamanan ni gol d roger na kanyang nahanap. Sa madaling salita ang one piece na kayamanan ay hindi lang isang realidad tungkol sa mundo.

 Ang pang apat na clue ay ang pagtawa ni roger at ang kanyang mga kasama sa natagpuan nilang kayamanan.  Ang kanilang pagtawa at ang mukha ni gol d roger ay naging tanyag noon natagpuan nila ng treasure sa laugh tale.Hindi lang din naman siya pero maging ang kanyang mga crews at natawa din. Sa huli ay sinabi ni Roger na sana ay nabuhay na lamang siya sa era kung saan nabuhay din si joy boy.

 Ang panglima nating clue ay hindi ma-access ni roger ang kayamanan. Ang paguusap ni roger at ni Rayleigh ay isang indikasyon na ang kayamanan sa laugh tale ay hindi accessible sa kanila o kaya ay hindi nila ito makikita kung hindi sila nasa kanilang tunay na form. Either si Roger or si Rayleigh ang nagsabi na dumating sila ng napaka aga. Mayroon ding tanong sa kanila kung sino ang susunod na makakaahanap ng treasure na one piece.

 Pang anim ay most likely na ang one piece ay connected sa mga sea monsters. Matapos na madisband ang roger pirates sa chapter 968. Nakita natin ang isa na namang flashback nitong si kozuki oden at si roger ay nakarinig sa isang propesiya ng mga sea kings. Ang propesiya ay tungkol sa magiging ruler ng mundo sa future. Isa doon ay si Poseidon at ang isa naman ay si joy boy na isisilang sa malapit na karagatan. Ang prediksyon na ito ay nakapag confirm kay roger na sa hinaharap ay mayroong  pirate group din na makakalagpas sa kanila. At si oden naman ay ang magoopen sa wano island upang matulungan si joy boy. Ikonsider din natin ang mga salita ni whitebeard kay blackbeard. Sinabi niya dito na hindi siya ang hinihintay ni joy boy. Maaari bang ang one piece ay makikita lamang natin kung magkikita na itong joy boy at si Poseidon.

Ang pang pito ay nahulaan ni whitebeard na ang pagkadiscover sa kayamanan na one piece ay magbibigay sa mundo ng upside down na pangyayari. Bago mamatay si whitebeard ay mayroon din siyang nasambit na mga salita. Sinabi niya na magkakaroon ng ups or downs sa pagkakadiskobre ng kayamanan at magkakaroon din daw ng isang malaking digmaaan na kasama ang buong mundo. Maaaring nakatanggap si Whitebeard ng direktang impormasyon mula kay Roger, kaya't ang kanyang mga salita ay hindi lamang basta-basta. Pero hindi pa din naman tayo kung sigurado kung ano ba talaga ang mangyayar sa mundo ng one piece kung magugulo ba o hindi.

At iyan nga mga ka pika ang ating mga impormasyon tungkol sa kayamanan sa onepiece na tinatawag na one piece.

 Base sa ating mga napagupan ay magcomment lamang kayo kung ano ang inyong pinaka nagustuhan.

 Maaari bang ang one piece ay isa rin sa isang ancient weapon? Magcomment na.

 Salamat sa panood mga ka pika!