Martes, Marso 30, 2021

SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC


 


SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC


Mas kilalanin natin at pagusapan natin ang batang si o-tama sa one piece. 

Si o-tama ay isang bata sa wano kingdom na nakatira sa tehiyon ng kuri. Siya ay isang kasa weaver at kunoichi in training. Mayroon siyang alaga na komainu, isang higanteng hayop na may katulad sa aso na may baboy na ilong at leyon na katawan. Ang pangalan nito ay komachiyo na loyal na alaga ni o-tama.

Sa pagbubukas ng wano arc ay nakilala na din natin siya. Siya ay maliit at payat na batang babae at napakacute din niya. Mabilis din siyang makipagkaibigan lalo na noong unang makasalamuha si lufi.

Si tenguyama hitetsu ang tumatayo na master niya at siya rin ang nagaalaga kay o-tama. Naalala nyo ba noong sinabi ni lufi na namatay na si ace ay nalungkot ang bata dahil nakilala niya din pala ang kapatid ni lufi dahil minsan ay bumisita sa wano kingdom.

Noong nagpunta si ace sa wano ay nagkaroon ng pagkakaibigan ang dalawa. Nais din noon na sumama ni o-tama kay ace para maging isang pirate pero hindi pumayag si ace dahil sa edad niya. Gayunman, ipinangako ni ace na magkikita pa sila kapag naging ganap na kunoichi na siya at aantayin niya daw ang bata sa kanyang pirate ship. Noon sinabi nga ni lufi na patay na si ace ay nalungkot ng sobra si o-tama. Dahil dito ay inatake ni hitetsu si lufi dahil ginawa niyang malungkot si otama. Hindi makapaniwala si o-tama sa pagkamatay ni ace. Pero noong ginamit ni lufi ang gomu gomu no red wak kay holdem ay naalala ni o-tama si ace.

May natatangi din na devil fruit si o-tama. Siya ay nakakain ng devil fruit na paramecia type na kayang makagawa ng isang dango sa kanyang pisngi. Ang pambihirang kakayahang ito ay kayang makapag pa amo sa mga hayop at kaya ring makapag tanggal ng gutom.

Pagusapan natin ang malaking tulong ng kapangyarihang ito ni o-tama na magagamit nila sa wano arc.

Una nang napaamo ni o-tama si speed. Si speed ay isang shinuchi sa beast pirates na nagbabantay sa bakura town. Siya ay nakakain din ng smile fruit na horse type.

 Pero naging kakampi ni o-tama simula noong makakain siya ng kibi dango na ginawa ni o-tama.

Nakita natin ito sa one piece manga 918 ang pagkontrol ni o-tama sa mga smile users.  Maaari din ban a makontrol ni o-tama ang mga zoan devil fruit users. Narito ang aking analysis.

Sa mga huling bahagi ng mga chapters ng one piece, nakita natin na ang mga element ng hayop sa smile devil fruit at ang tao na nakakain ng smile na devil fruit ay maaaring ma separate. Ang pinaka magandang halimbawa nito ay si holdem. Nakita natin sa chapter 918 na itong si kamjiro, siya ay ang lion ay may malay pa habang si holdem ay nawalan na ng malay. Ito ang patunay na ang dalawa ay pwedeng maghiwalay ng kanilang consciousness.

Lalo nitong pinalalakas ang mga palagay na ang zoan at smile devil fruits ay magkaiba.

Ang zoan devil fruit ay nagbibigay ng kalakasan sa isang form na kung saan nagpapalit ng anyo bilang hayop o ibang mga creature samantala ang smile devil fruit ay hindi nakapagbibigay ng lakas at hindi rin nagtatransform sa isang hayop kundi nakakakuha lamang ng mga attributes ng mga hayop sa isang tao na nakakain nito.

Ang mga elemento ay paiba-iba at random din. Ang mga smile users ay hindi nakakapagpili kung anong uri ng hayop o kaya katangian ng hayop na nais nila sa kanilang katawan. Mabuti na lamang na itong si holdem ay nakakuha ng extra lion head sa kanyang tiyan.

Inuulit ko.

Ang zoan devil fruit users naman ay may abilidad na makapagtransform sa isang hayop o ibang creature.

Kung mapapansin nyo naman sina speed at babanuki. Nakontrol na sila ni o-tama dahil nakakain sila ng kibi dango.

Bakit nga ba apektado si speed sa devil druit ni o-tama kahit na mukha naman siyang tao.

Ganito din ang nangyari kay babanuki sa udon prison na nakakain din ng kibi dango at naging tagasunod nitong si o-tama.

Kung titignan natin ng mabuti. Sinabi ni speed na ang kanyang paningin ay apektado ng isang kabayo at sinabi din ng kanyang mga tao na ang smile devil fruit ay horse type kaya’t ang lower part niya ay napalitan ng paa ng kabayo.

Ibig sabihin niyan ay ang katawan ni speed ay nagdikit sa isang kabayo maliban lamang sa upper portion ng kanyang katawan. Ang lower part ay mayroon na ding mga organs ng isang kabayo, siya ay nahahalintulad sa isang centaur.

Kaya’t kung ganito ang nangyari ang horse consciousness na nakafuse kay speed ay nakasalalay din sa consciousness ni speed.

Posibleng makontrol ito ni o-tama gamit ang kanyang kapangyarihan dahil nakontrol niya nag horse consciousness, dahil nga almost perpekto ang pagkafuse ng tao at ang kabayo sa katawan ay makokontrol talaga ito ni o-tama. Ang entire consciousness ni speed ay apektado sa kapangyarihan ni o-tama.

Sa una ay inakala ko na ang kapangyarihan ni o-tama ay epektibo lamang kay speed na may katawang kabayo gayon din pala kay holdem na nakafuse ang ulo ng leyon sa kanyang tiyan.

Sa case naman ni babanuki. Siya ay isang elepanto pero ang gumagamit nito ay may iba ibang senses. Pero nakontrol pa din siya ni o-tama.

Masasabi natin na ang mga smile users or eaters ay makokontrol talaga ni o-tama.

So ang tanong ngaoyn ay kung makokontrol ba ni o-tama ang mga real zoan devil fruit users?

Katulad ng aking nasabi noong una, may pagkakaiba ang devil fruit na zoan at smile.

Sa kasamaang palad ay hindi kayang kontrolin ni o-tama ang mga zoan devil fruit user dahil sila ay mga tao at kayang magtranform sa anyo ng hayop o creature.

Pero imagine nyo mga ka pika kung makokontrol nita talaga ang mg zoan users. Si otama na ang pinakamalakas na devil fruit user dahil makokontrol nya ang lahat ng mga tobi roppo at magiging mga followers niya at syempre baka pati na din itong si kaidu.

Katulad ng nangyayari ngayon sa onigashima, nakikita natin na nakokontrol na ni o-tama ang sitwasyon dahil sa plano niya kasama si yusop. Pinapakain nila ng kibi dango ang lahat ng mga smile users at lahat sila ay unti unti nang nagiging mga kaalyado ng mga strawhads. Biglaang nagbago ang sitwasyon dahil ang amga sundalo ni kaidu ay magpoprotect na kay o-tama.

So pano din kaya kung magpalit sa isang hybrid form ang isang zoan devil fruit user.

Kung magiging full form ang mga zoan devil fruit users ay baka magiging epektibo na ang kibi dango ni o-tama dahil wala na sila sa form ng isang tao. Pero ito lamang ay aking spekulasyon. Tignan na lamang natin ang mangyayari.

Idagdag din pala natin si chopper na isang zoan devil fruit user din. Siya ay isang reindeer o isang hayop, paano kaya kung nakakain siya ng kibi dango., susunod din ba siya sa utos ni o-tama?

Naisip ko din na may epekto din ang kibi dango sa mga mink tribes. Anyway. Pagusapan na lamang natin ito sa iba kong mga videos.


WATCH IN YOUTUBE --> SI OTAMA ANG SUSI NG TAGUMPAY SA WANO ARC ONE PIECE TAGALOG - YouTube

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI


 

BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI

 

 

Nagulat ba kayo sa latest chapter ng one piece 1008 dahil nagpakita at buhay pa itong si orochi. Well, marami din naman ang nakapagsabi na tunay na buhay pa talaga itong si orochi. Hindi rin naman kaagad, papatayin ni oda ang isang character sa one piece lalo na at hindi pa din naman natin nakita ang potensyal nitong si orochi sa wano arc.

 

Kung maaalala nyo mga ka pika. Nakita natin na pinugutan ng ulo ni Kaidu itong si orochi. Pero sa latest chapter na 1008 ay buhay pa pala siya. Paano kaya ito nangyari?

 

Narito ang aking theory tungkol sa pagkabuhay nitong si orochi.

 

Huwag ninyong kakalimutan na si orochi ay nakakain ng isang mythical zoan na devil fruit. Alam nyo ba kung ano ang kayang ibigay na kapangyarihan ng mythical zoan devil fruit kung si orochi ay na awaken na.

 

Katulad ng ibang mga mythical zoan users na ipinakilala na sa one piece. Halimbawa nito ay si marco, kaidu, devon at iba pa. usually nagbibigay ang devil fruit na ito ng karagdagang lakas at kapangyarihan sa mga users nito maliban pa kung nagtransform sila sa mga hayop.

 

Halimbawa nito si marco na may kapangyarihan na makapag regenerate. Si Catarina devon naman ay kayang makagaya ng mga forms ng mga tao at ang huli nating nakita si kaidu na nasa hybrid form na rin nya. Lahat ng mga ito ay nagkaroon ng additional na lakas maliban sa kanilang zoan form.

 

Dahil si orochi nga ay isang mythical zoan devil fruit user. To be exact ang kanyang nakain ay ang hebi hebi no mi model: yamata no orochi. Ito ay isang eight headed snake.

 

Kung ang yamata no orochi ay isang eight headed snake, maaari din nating isipin na ito ay maaaring dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi dahil ang devil fruit niya ay kayang makapagbigay sa kanya ng buhay kung gaano din karami ang ulo na naaayon sa yamata no orochi.

 

So kung napugutan siya noong una ay mayroon na lamang siyang pitong buhay ngayon na nakakapagpanatili sa kanyang buhay.

 

In short kung nais nating mapatay si orochi ay kailangan din siyang mamatay ng pitong beses pa.

 

Maaazing ito nga ang dahilan kung bakit buhay pa itong si orochi.

 

Marahil ang iba sa inyo ay iniiisp na ang yamato no orochi ay nahahalintulad sa isang hydra pero iba ang principle ng hydra na makikita natin sa legend ni Hercules.

 

Ganito yan. Kung ang ulo ng hydra ay naputol, maaari itong tumubo ulit at mag multiply. Isang karagdagan din. Ang bilang ng ulo ng hydra sa Hercules ay magkaiba din depende sa bilang ng ulo na nawala.

 

Samanatala sa Japanese legend na yamata no orochi. Ang bilang ng ulo ng nawala sa ahas ay hindi na kailanman tutubo hindi katulad ng isang hydra. Ang bilang ng ulo nito ay sampu lamang talaga.

 

Kaya’t kung iniiisip ninyo na tumubo lamang ang ulo ni orochi ay hindi ito maaari. Maaari nating mapatay si orochi kung mamamatay ulit siya ng pitong beses pa kagaya ng sinabi ko kanina.

 

Sa Japanese mythology. Si Susanoo ang siyang nakapatay kay orochi sa pamamagitan ng pagputol ng walong mga ulo nito.

 

Maaari bang ang mga nine red scabbards ang siyang makakapatay kay orochi?

 

Kung mayroon pang natitirang pitong ulo si orochi ay katumbas nito ang mga nabubuhay at kasalukuyang  mga nine red scabbards.

 

Kung bibilangin ninyo sila mayroon tayong pitong myembro. At syempre ay hindi na natin idadagdag dito si kanjuro na siyang traydor saknila.

 

Sa one piece 1008 ay nakita natin na sumabog itong si Ashura doji noong sinugod niya ang pekeng kozuki oden. si inurashi naman ay kasalukuyang nakikipaglaban kay jack.

 

Kung ang dalawa sa kanila ay hindi Nabila. Mayroon tayong pitong mga miyembro ng nine red scabbards.

 

Maaari bang ang mga pitong ito ang siyang tatapos at papatay kay orochi? Sadyang nakakaexcite talaga ang mga pangyayari ngayon sa one piece. Ano sa palagay ninyo ang video kong ito mga ka pika? Mag comment lang kayo at patuloy na magssuporta sa aking channel.

 

salamat


watch in youtube -- BUHAY PA SI SHOGUN OROCHI!!! ONE PIECE TAGALOG - YouTube

ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE


ANG MGA CLUES NG ONE PIECE SA LAUGH TALE



 Curious ba kayo kung ano ba talaga ang treasure sa One Piece na one piece.

Ito ay ang classic na tanong ng mga fans simula pa noong 1997. At wala pa talaga tayong konkretong kasagutan tungkol dito.

Gayunpaman, nakapag bigay na din si eichiro oda ng mga clues tungkol sa kayamanan sa pamamagitan ng pagpapakita niya sa isang legendary na pirate na si Kozuki oden. Gamit ang mga flashbacks nito at ang huling mga sinambit na mga salita ni Whitebeard o si Edward newgate.

Narito na mga pitong clues tungkol sa treasure na one piece na matatagpuan sa laugh tale.

Una ay alam niyo ba na si Gol D Roger ang siyang nagpangalan sa one piece. Isa ito sa mga nakakainteresadong clue. Noong nakaraan,natanong ko din sa aking sarili kung bakit one piece ang tawag sa one piece. Ibig sabihin ba nito na ito ay isang malaking kayamanan o isa lamang maliit na treasure. Ibig sabihin ba nito na ang mundo sa one piece ay mabubuo ulit. Gayunpaman, hindi rin naman sinabi ni roger ang tungkol sa kayamananan na ito sa flashback ni kozuk oden. sa anime, nakita din natin na mayroong tao na nagtanong kung ano ang one piece bago pa man ma execute itong si roger. Kung ang pangalan na one piece ay ipinangalan lamang ng isang tao, nakaka pagduda din kung ito nga ay nagrerepresent sa tunay na form ng kayamanan ni Gol D Roger.

 Pangalawa ay tama kayong nasa laugh tale ang kayamanan. May mga theory din na nakapagsabi na nag treasure ay hindi nasa laugh tale at ang laugh tale ay magbibigay lamang clue sa tunay na kinaroronan nito. Pero naconfirm natin ito sac hater nine hundred sixty-seven na nasa laugh tale nga ang kayamanan.

Pangatlo. Ang kayamanan ay naka separate sa impormasyo ng mundo sa laugh tale. Batay sa pagkakasulat ni kozuki oden sa kanyang journal o kaya ay diary. Ang one piece ay hindi lamang basta isang impormasyon. SInulat ni oden ang mga impormasyon tungkol sa kanyang mga natutunan sa mundo ng one piece series at nakaseparete din ang impormasyon tungkol sa kayamanan ni gol d roger na kanyang nahanap. Sa madaling salita ang one piece na kayamanan ay hindi lang isang realidad tungkol sa mundo.

 Ang pang apat na clue ay ang pagtawa ni roger at ang kanyang mga kasama sa natagpuan nilang kayamanan.  Ang kanilang pagtawa at ang mukha ni gol d roger ay naging tanyag noon natagpuan nila ng treasure sa laugh tale.Hindi lang din naman siya pero maging ang kanyang mga crews at natawa din. Sa huli ay sinabi ni Roger na sana ay nabuhay na lamang siya sa era kung saan nabuhay din si joy boy.

 Ang panglima nating clue ay hindi ma-access ni roger ang kayamanan. Ang paguusap ni roger at ni Rayleigh ay isang indikasyon na ang kayamanan sa laugh tale ay hindi accessible sa kanila o kaya ay hindi nila ito makikita kung hindi sila nasa kanilang tunay na form. Either si Roger or si Rayleigh ang nagsabi na dumating sila ng napaka aga. Mayroon ding tanong sa kanila kung sino ang susunod na makakaahanap ng treasure na one piece.

 Pang anim ay most likely na ang one piece ay connected sa mga sea monsters. Matapos na madisband ang roger pirates sa chapter 968. Nakita natin ang isa na namang flashback nitong si kozuki oden at si roger ay nakarinig sa isang propesiya ng mga sea kings. Ang propesiya ay tungkol sa magiging ruler ng mundo sa future. Isa doon ay si Poseidon at ang isa naman ay si joy boy na isisilang sa malapit na karagatan. Ang prediksyon na ito ay nakapag confirm kay roger na sa hinaharap ay mayroong  pirate group din na makakalagpas sa kanila. At si oden naman ay ang magoopen sa wano island upang matulungan si joy boy. Ikonsider din natin ang mga salita ni whitebeard kay blackbeard. Sinabi niya dito na hindi siya ang hinihintay ni joy boy. Maaari bang ang one piece ay makikita lamang natin kung magkikita na itong joy boy at si Poseidon.

Ang pang pito ay nahulaan ni whitebeard na ang pagkadiscover sa kayamanan na one piece ay magbibigay sa mundo ng upside down na pangyayari. Bago mamatay si whitebeard ay mayroon din siyang nasambit na mga salita. Sinabi niya na magkakaroon ng ups or downs sa pagkakadiskobre ng kayamanan at magkakaroon din daw ng isang malaking digmaaan na kasama ang buong mundo. Maaaring nakatanggap si Whitebeard ng direktang impormasyon mula kay Roger, kaya't ang kanyang mga salita ay hindi lamang basta-basta. Pero hindi pa din naman tayo kung sigurado kung ano ba talaga ang mangyayar sa mundo ng one piece kung magugulo ba o hindi.

At iyan nga mga ka pika ang ating mga impormasyon tungkol sa kayamanan sa onepiece na tinatawag na one piece.

 Base sa ating mga napagupan ay magcomment lamang kayo kung ano ang inyong pinaka nagustuhan.

 Maaari bang ang one piece ay isa rin sa isang ancient weapon? Magcomment na.

 Salamat sa panood mga ka pika!